Local News

Panoorin: Sen. Bong Go, Nag Beastmode Laban sa Reporters at ABS-CBN!

Sa kanyang pagdalaw sa mga nabiktima ng sunog sa Sta. Ana, Manila, tila nainis si former Special Assistant to the President (SAP) at ngayo’y senador Christoper “Bong” Go nang sa mga reporter nang tanungin siya kung pumuporma daw ba siya sa 2022 elections.

“Anong early campaigning pinag-uusapan? Two months, three months pa lang after election, early campaigning? Pangangampaniya ba ang pagseserbisyo sa tao?” banat ni Go.

Isa sa napagbuntungan ni Go ay ang media organization na ABS-CBN.

“Wala akong interes tumakbo sa kahit anong posisyon… Willing ako maging campaign manager nang kung sino mang gusto tumakbong presidente basta ipagpapatuloy niya yung nasimulan ni Pangulong Duterte,” hamon ni Go.

Ayon kay Go, ang gusto niya lang daw mangyari habang siya ay senador ay maiparating ang serbisyo sa mga tao.

“Nangako po ako sa kapwa Pilipino natin nung wala pang eleksyon na babalikan ko sila… Dinadagdagan ko lang ng serbisyo na hindi naman binibigay ng iba, ‘yung bumababa sa tao… Hindi ko matiis na nakaupo lang diyan sa Senado habang ‘yung mga kababayan natin dito nagmamakaawa, humihingi ng tulong,” ani Go.

Source: ABS-CBN | Snatched

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: