Local News

Panoorin: Brgy. Captain Bumunot ng Baril laban sa Lalaking Naghatid ng Anak sa Daycare Center!

Viral ngayon ang social media post ng kababayan natin na si Maynard Lagayan. Sa kanyang post, ikinuwento niya ang nangyari sa pagitan niya at ng isang kapitan sa isang barangay sa Sta. Ana, Manila. Ang kumprontasyon ay nauuwi daw sa pagbunot ng baril ng kapitan.

Ayon kay Lagayan, umaga daw nang naghatid daw sila ng anak sa daycare center at nang inaantay niya raw ang kanyang asawa para ihatid naman sa trabaho ay biglang may sumigaw sa kanyan.

“8am Naghatid ako sa anak ko papunta daycare at nagaabang sa aking may bahay para maihatid ko sa kanyang pinapasukan. Nagulat ako at biglang may sumigaw sa akin na ‘Hoy ang sama no makatingin ah!’. Nagulat ako dahil parang ng ti-trip si kapitan at kinabahan ako. Tinanong nya ako kung ano ginagawa ko at sumagot naman ako na iniintay ko ho ang asawa ko. Lumapit sa akin habnag dinurduro ako at sinabi nya na ‘Hindi kita kilala itaas mo nga yang helmet mo’. Nagtanong ako sa kanya kung may problema ho? nung una nagtataka ako bakit binabraso ako ni kapitan kaya wala na ako magawa kundi itaas ang helmet ko,” kwento ni Lagayan.

Ang pananaway daw ng kapitan ay humantong sa pagbunot nito ng baril. Ayon kay Lagayan, natakot daw siya sa ginawa ng punong barangay. Hindi pa daw nakuntento ang kapitan at minura pa daw siya. Ayon kayt Lagayan, nangyari daa ito sa Brgy. 883, zone 97.

“Bigla nya tinapik ang ang T-shirt ko pataas at sinabing may kargada ka ba? Tinaas ko damit ko para ipakita na wala ako dala. Bigla nya binunot ang baril at natakot ako, Naiisip ko kagad ang pamliya ko. Sinabihan akong tangina mo kakasuhan kita. Sabay hinatak nya kamay ko at sabing duon tayo sa brgy. Nagtanong ako kung ano kaso ko at wala naman maisagot at patuloy pa rin ang paghatak nya sa kamay ko. Pinagmumura nya ako at sinabi ko na magkita na lang tayo sa presinto at sumagot sya na cge magkita tayo sa presinto gago ka! Sumagot ako pabalik gago ka rin! at pinaalis na rin ako ng mga tanod,” saad pa ni Lagayan.

Humihingi si Lagayan ng tulong sa mga netizens na ipakalat ang video upang makarating kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.

“Paki share na lang po ng mkaarating kay Yorme,” dagdag pa ni Lagayan.

Ang post ni Lagayan ay umabot na sa 83,000 views habang isinusulat ang blog post na ito. Naibahagi na rin ang post na may kalakip na CCTV ng 2,000 beses.

Source: Maynard Lagayan | Archived

Leave a Reply

Theme by Anders Norén