Local News

Panoorin: Bricks na Mula sa Abo ng Taal, Gagamitin para sa School Building Construction!

Ilang araw matapos ang pag-alboroto ng Bulkang Taal, naiulat ng ilang media outlets ang opotunidad na umusbong mula sa kalamidad.

Ang mga abo kasi na ibinuga ng Bulkang Taal ay kinalap ng mga taga-Laguna upang gawing bricks.

Sa isang video mula sa SOuth China Morning Post, ibinahagi ni Laguna, BiƱan Mayor Walfrado DImaguila ang plano nila para sa hollow block at bricks na mula sa Bulkang Taal.

“Ang plano namin is gawing hallow block at bricks (ang mga abo ng mula sa Taal VOlcano) dahil may mga kumpanya na gustong bumili. Hindi ko lang alam kung magkano ang presyo. SO pepresyohan namin siya sa tamang presyo, mas mura ng kaunti sa mga commercial bricks. Lets say 12 pesos each,” sabi ng Akalde.

Maaari din daw itong ipamnpatayo ng mga paaralan at mga tanggapan ng mga Barangay.

“Pero lahat ng mapagbibilhan ay ido-donate natin sa mga nasalanta ng Taal. Ganoon ang gagawin namin. At pag nasa recovery stage na ang Batangas, ang gagawin namin ay dadalhin namin ang hollow blocks at bricks ay dadalhin natin para ipampagawa ng school buildings, barangay halls at community centers,” sabi pa ni Mayor Dimaguila.

Pagkakataon din daw ito para makatulong sa mga taong naapektohan ng husto ng kalamidad.

“Para ‘yung binigay ng Taal sa atin ay maibalik sa mga taong naapetohan ng bulkan,” ayon sa Punong Lungsod.

Source: South China Morning Post

Leave a Reply

Theme by Anders Norén