Local News

Panoorin: BuCor Chief, Nagdala ng Submachine Gun sa Pagronda sa Bilibid matapos Makatanggap ng Death Threats!

Dahil sa mga natataggap na mga banta sa kanyang buhay, hindi na nagpakampante ang bagong talagang Bureau of Corrections Chief Gerald Bantag. Sa kanyang pag-iikot sa New Bilibid Prison, nagdala ito ng kanyang submachine gun para maging handa sa kung anuman ang maaring mangyari.

“Mayroon na talaga (mga banta sa buhay ko). May nagke casing-casing na nga eh. Pero talagang ganyan dahil wine-welcome natin ‘yan. Eh kung mamatay ka, talagang ganun di ba?” sabi ni BuCor Chief Bantag.

Nang tanungin ng isang reporter kung bibigyan niya ba ng matinding laban ang mga nagbabanta sa kanya, sumenyas si BuCor Chief Bantag ng “thumbs up” sign.

Nagtutulungan na ngayon ang Philippine Natinal Police (PNP), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), National Bureau of Investigation (NBI) at Armed Forces of the Philippines (AFP) para bantayan ang Bilibi. Ito ay matapos palitan ang mga tinatayang 500 tauhan ng BuCor dahil sa problema sa droga.

Sa hiwalay na ulat, nakipagtulungan kay BuCor Chief Bantag ang ilang ahensiya ng gobyerno para gibain at wasakin ang mga kubol at iligal na istruktura sa loob ng New Bilibi Prison.

“Diyan sila nagtatago pag gumagamit ng cellphones. Hindi mo na sila makikita. Ngayon, kung nakita ninyo ang original structures parang silang gumawa ng fortress nila. Kapag mayroon kang intel na na-receive diyan at gusto mong pasukin ng mabilisan dahil mayroon silang sariling lock, wala na. Bago ka makarating sa kontrabando, napigilan ka na, natago na, napasa na,” sabi ni Bantag.

Ayon sa ulat ng GMA News, pinagkakakitaan daw ng ilang tiwaling guwardiya sa Bilibid ang mga kubol na pinaparentahan sa mga VIP inamtes.

Dahil sa pagsira sa mga kubol, pagsasama-samahin na sa ordinaryong selda ang lahat ng klase ng mga preso. Nadismya naman ang ilang preso dahil nasayang lang daw ang itinayo nila para sa reformation ng mga kapwa daw nila bilanggo.

Buwelta naman ni Bantag, iligal ang mga ginastusang istruktura. Hindi naman daw dapat mga preso ang nagpapagawa ng istruktura sa Bilibid kundi ang gobyerno.

Source: GMA News | GMA News | ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén