Local News

Panoorin: Bumagsak ang Helicopter na Sakay si PNP Chief Gamboa!

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na bumagsak ang helicopter na sinasakyan ni PNP Chief Archie Gamboa. Nangyari ang aksidente sa Laguna nito lang umga ng Huwebes.

Ayon kay PNP-Highway Patrol Group (HPG) Chief Wilson Doromal, may malay si PNP Chief Gamboa pero hilong-hilo daw ito. Kasama din daw ng PNP Chief sina PNP Spokesperson Bernard Banac, comptrollership chief Major General Jovic Ramos, PNP intelligence director Major General Mariel Magaway, 2 piloto at dalawang pang iba nang mangyari ang helicopter crash.

Nagtungo si PNP Chief Gamboa sa Laguna upang dumalo sa pag-turnover ng mga carnap na mga sasakyan.

“Yung field na helipad namin medyo pag-flight niya, nag-zero visibility. ‘Yung chopper talagang sobrang alikabok, tumama po sa wires. ‘Yun ang reason kaya bumagsak ang ating chopper,” paliwanag ni PNP-Highway Patrol Group (HPG) Chief Doroma.

Narito po ang video nang pinagbagsakan ng helicopter.

Source: CNN Philippines | GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén