Local News

Panoorin: Bus Driver at Pick-up Driver, ‘Nag pang-abot!

Isa na namang away kalsada ang nai-dokumento ng netizen. Sa pagkakataon ito, awayan ng Baliwag bus driver at ng pick-up truck driver naman ang nahagip ng video. Ang kumprontasyon ng dalawa ay nauwi sa pisikalan.

Ayon sa driver ng pick-up, ginigitgit daw sila ng bus at muntik nang mahagip ang kanyang misis.

“Iniipit mo ang asawa ko. Nakita mong sumasakay ang asawa ko di ba?”< banat ng pick-up driver

Buwelta naman ng bus driver, bakit daw siya sinapak. Ito ay agad namang pinabulaanan ng driver ng pick-up truck.

Pilit naman inaawat ng mga ilang kababayan natin ang dalawang panig habang nagpapangbuno.

Ang video ay ibanahagi ng Facebook page na Rider Down. Habang ginagawa ang blog post na ito ay umabot na sa higit 5,000 ang nag-share ng video at umabot na rin sa lagpas 4,000 ang nagkomento sa video.

Narito po ang tugon at reaksyon ng ilang kababayan natins a video.

“Andami ng matatapang ngayon nakakatakot ng masyado lutang na lutang ang panget ng kanilang pag-uugali pilipino pa man din kayo hindi na kayo nahiya sa mga batang nakakakita sa mga inaasal nyong katapangan na wala naman sa lugar..etong si betlog na baboy wait nyo guys mawawala angas nyan one of this days….atapang a tao eh,” sabi ni A. Baldon.

“Minsan gag* din talaga mga iba bus driver purke malaki sila bigla kn lang e-cut ng mga yan. Kahit businahan m hnd ka papansinin. Minsan mas gusto pa nila patay*n ka para less gastos pa hospital,” sabi ni G. Punla.

“Sakin lang ah karamihan kasi sa ibang driver ng bus balahubas mg maneho,di nila inaantala pag liliko sila or magbibigay ng warning hihinto magbaba ng pasehero,bigla nlng kakabig,pero may mali si kuya dpt di na niya sinakal hayst,” sabi ni K. Aguam.

“Sa totoo lang mga balasubas din yang mga buss driver nayan. Lalo na yung tinatawag ni pitik at gitgit. Kung rider ka o kaya nag mamaneho ng kotse nararanasan mo yun,” sabi ni M. Cruz.

Source: Rider Down

Leave a Reply

Theme by Anders Norén