Local News

Panoorin: Dating Magandang Sexy Actress, Arestado sa Christmas Anti-Drug Operation!

Nasakote ng mga otoridad ang dating sexy actress na si Jenny Roa sa isinagawang anti-drug operation sa Pasay City nitong araw ng Pasko. Sa tunay na buhay ang pangalan ni Roa ay Jennifer Kiilsgaard.

Si Roa ay lumabas sa mga pelikula noong huling bahagi ng dekada nobenta hanggang unang bahagi ng 2000’s.

Kasamang naaresto ni Roa ay Norman Viña. Isinailalim si Roa sa surveillance matapos makatanggap ng tip ang mga otoridad ng pagtutulak nit ng droga.

Nakumpiska ng mga otoridad kina Roa at Viña ang 4 na pakete ng droga na may halagang P31,000. Ang mga droga ay nakasilid sa ang-pao.

Itinanggi namanni Roa na siya ay isang pusher. Ayon kay Roa, dumadaan lang daw siya sa depresyon at nagsusumikap na magbagong buhay.

“I’m always in the house. I stay in the room. It so happened, hindi ko alam nataon pa ng Pasko ko…Paayos na buhay ko, bagong buhay na ako, ewan ko ba,” sabi ni Roa.

Ayon kay Roa, ito umano ang unang pagkakataon na nahuli siya dahil sa droga. Kung mabibigyan daw siya ng pangalawang pagkakataon, gusto niya daw bumalik sa mundo ng showbiz.

Base naman sa kapulisan, garapalan daw ang ginagawang pagbebenta ni Roa ng droga. Hindi alintana kung may mga bata at matatandang nakakakita sa kanya.

“Isang linggo po silang sinurveillance kung paano (sila)nagbebenta ng droga. Ayon sa impormante namin na pumunta sa aming opisina na garapalan ang pagbenta nila (ng droga). Kita ng mga bata at matatanda na parang walang iniilagan,” Pasay City Police SDEU Investigtor PCPL Jett Morillo.

Base sa website na Internet Movie Database (IMDB), lumabas si Roa sa mga pelikula tulad ng “Ang galing galing mo babes”, “Tag-araw, tag-ulan”, at “Tikboy Tikas at mga Khroaks Boys”. Lumabas din siya sa pelikulang “Pugoy Hostage: Davao” na base sa Davao Hostage crisis noong 1989. Ang pelikula ay pinagbidahan ni Ian Veneracion at Lito Legaspi na gumanap bilang si Mayor Rodrigo Roa Duterte.

Source: ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén