Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Panoorin: Dayuhan, Ibinaon sa Boracay ang Ebak ng Anak habang May Naliligo sa Dagat!

Isang dayuhan ang inirereklamo ng kapwa turista nito sa Boracay dahil sa paglalabas nito ng dumi ng anak sa babayin ng isla ng Boracay.

Base sa salaysay ni alyas “Grace”, nasa Sation 1 daw sila ng isla para magtampisaw nang makita niya at ng mga kasamahan niya ang ginagawang kababuyan ng dayuhan. Pinapadumi daw nito ang anak sa buhangin ng dagat.

“Nasa tubig po kame nung time na ‘yon when my friends saw the kid poop and (noong nakita ng mga kaibigan ko na nagdudumi at) hinugasan ng mom ‘yong kid,” sabi ni Grace.

Matapos daw dumumi ng bata ay saka tinakpan ng ina ng buhanging ang etchas. Sumunod pa raw ang lola ng bata para hugasan ang underwear ng bata.

Sobrang nandiri si Grace at kasamahan nito dahil kagagaling lang rin nila sa tubig nang makita ang insidente. Kaya nagtungo agad sila sa kanilang hotel para maligo.

“A lot of us were shocked and grossed out kasi galing kame sa water. We didn’t know what to do so we just shouted yuck! yuck! to call their attention,” pahayag pa ni Grace.

Ang bayan ng Malay sa Aklan ay sakop ng Municipal Ordinance Number 311 o “Anti-Littering Law”. Sa naturang ordinansa, ipinagbabawal ang pag-ihi, pagdura at pagdudumi sa mga pampublikong lugar.

Dahil ang gumawa ng pagdumi ay menor de edad, ang nanay nito ang papanagutin, ayon kay Interior and Local Government Undersecretary Epimaco Densing III.

“Responsibilidad din ng turistang malaman na kahit wala yang mga signs na yan sa mga tourist destination hindi ka dapat nagdudumi. Alam na dapat ng turista iyan,” sabi ni Densing.

Ang isla ng Boracay ay isinara ng anim na buwan dahil sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte upang isailalim sa rehabilitasyon noong nakaraang taon.

Source: ABS-CBN | Viva Filipinas Page

Leave a Reply

Theme by Anders Norén