Local News

Panoorin: “Di ka Nasanay sa Kabalbalan ni Drilon” Supalpal kay Panelo!

“Ikaw naman parang hindi ka na nasanay sa kabalbalan ni Senador Drilon. Alam mo sabi ko nga kahapon sa MPC (Malacañang Press Corps.), ‘yung administrasyon na iyong pinanggalingan, kahit isang infrastructure ay walang nagawa at naumpisahan,”

Ganito ang naging pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo nang makapanayam siya nina Erwin Tulfo at Aljo Bendijo upang mahingan ng komento tungkol sa sinabi ni Senador Franklin Drilon na palpak ang “Build. Build. Build.” program ng gobyerno ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Magugunita na tinawag ni Drilon na dismal failure ang infrastructure project ng kasalukuyang administrasyon.

“It’ sad to say that the Build, Build, Build program of the administration is sa dismal failure. We only have two years and a half left in this administration, I don’t think any substantial progress in so far as that program is concerned will be achieved,” boladas ni Senador Drilon.

Sa Malacañang press conference, ibinida ni Spokesperson Panelo ang mga nagawang proyekto sa ilalim ng Duterte Administration at ipinaalala din kay Drilon na wala umanong nagawa ang nakaraang admnistrasyon kung pag-uusapan ay ang infrastructure projects.

“Senator Frank, look at the administration you previously belonged-six years, not a single infrastructure na nagawa. Malayong-malayo sa dami,” buwelta ni Secretary Panelo.

Narito po ang pahayag ni Secretary Panelo sa MPC.

Source: Erwin Tulfo

Leave a Reply

Theme by Anders Norén