Local News

Panoorin: Disenyo ng Bagong Manila Int’l Aiport, Pinakita na sa Publiko!

Kamakailan lang ay ibinahagi ng Department of Transportation (DOTr) ang balita ng konstruksyon ngayong taon ng New Manila International Airport (NMIA) sa Bulacan.

Ayon kay Secretary Arthur Tugade ng DOTr, makatutulong ang bagong paliparan para maibsan ang dami ng tao sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

“This new international airport is important in helping ease the congestion of the Ninoy Aquino International Airport. Together with the expansion of Clark Airport and the construction of additional facilities at Sangley Airport, NMIA is part of ‘baskets of solutions’ to bring further connectivity to the Filipino people,” sabi ni Secretary Tugade.

Ang San Miguel Holdings Corporation (SMHC) ang nakakuha ng kontrata para sa proyekto matapos magsagawa ang Duterte Administration ng swiss challenge.

Kamakailan lang ay inilabas na ng SMHC ang disensyo at pag-aaral para sa paliparan.

Aabot sa P734 billion ang gagastusin sa pagpapagawa ng nasabing paliparan. World-class din itinuturing ang gagawing bagong airport.

Magkakaroon ito ng 4 na runways at pwede pang madagdagan sa 6. Aabot din daw sa 100 milyong pasahero ang kaya nito pagsilbihan kada taon.

Inaasahang magkapagdadala ang airport ng 35 milyong turista kada taon at lilikha rin ng milyon-milyong trabaho para sa ating mga kababayan.

Ayon sa ulat ng Manila Bulletin, walang gagastusin ang gobyerno sa pagpapagawa ng paliparan.

“We can assure this early that this project is designed to decongest Metro Manila. It will provide more and better livelihood opportunities, not to take them away; ensure environmental balance and enhance resilience against calamities, because it’s the right thing to do. In other words, we envision a brighter future for everyone, but we know what’s worth achieving isn’t necessarily easy. We will face rough waters along the way, that’s why we need everybody’s help and support to make this dream a reality,” sabi ni SMC president and COO Ramon S. Ang.

Source: Manila Bulletin

Leave a Reply

Theme by Anders Norén