Local News

Panoorin: DOJ, Ipinatawag na sina Leni at ilang Oposisyon dahil sa Kasong Sedisyon!

Ipinatatawag na ng Department of Justice (DOJ) si Vice President Leni Robredo at ilang personalidad mula sa oposisyon kaugnay sa kasong sedisyon na isinampa ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP – CIDG) laban sa mga ito.

Ayon kay Justice Secretary menardo Guevarra, magsisimula ang preliminary investigation sa kaso sa ika-9 ng Agosto, alas-10 ng umaga.

Ang reklamong sedisyon laban sa mga taga-oposisyon ay dahil sa black propaganda video series (Ang Totoong Narcolist) na ikinalat noong panahon ng eleksyon para siraan si Presidente Rodrigo Duterte at mga malalapit sa Pangulo. Sa mga naturang video, isinasangkot ang mga kapamilya at kakilala ng Presidente sa kalakalan ng iligal na gamot.

Sabit din sa reklamo sina senadora Leila De Lima at Risa Hontiveros, dating senador Antonio Trillanes IV, ilang kandidato para sa senador ng Otso Diretso.

Damay din sa kaso ang ilang alagad ng simbahan at ilang opisyal ng Integrated Bar of the Philippines.

Ayon sa kampo ni Robredo, handang silang harapin ang reklamo at iginiit na isang panggigipit lamang ang kaso laban sa kanila. Pero ayon sa pambansang kapulisan, mayroong ebidensiya ang PNP-CIDG laban sa bise presidente.

Kung sakaling ma-indict si Robredo, banat ni Attorney Larry Gadon, magsasampa sila ng impeachment laban sa bise presidente. Si Gadon ang tumatayong abogado ni alyas Bikoy.

“Impeachment of Madam Leni Robredo is one of the moves being considered… If the DOJ finds probable cause to indict her for sedition or inciting to sedition, that could be used as a ground for impeachment because that would fall under betrayal of public trust… Impeachment is a proceeding which is political in nature and thus does not need a final conviction of a criminal offense. If betrayal of public trust is sufficiently shown, impeachment can proceed independently pending final judgment on the criminal case,” sabi ni Attorney Gadon.

Source: ABS-CBN | Philstar

Leave a Reply

Theme by Anders Norén