Local News

Panoorin: Drilon, Tinawag na “Ipokrito” ni House Speaker Cayetano!

Pinatutsadahan ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang mga pangunahing personalidad sa oposisyon dahil sa pagbatikos ng gma ito sa pasya ng gobyerno ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na gumastos ng P6 billion para sa 30th South East Asian (SEA) Game sa ating bansa.

Sa isang pahayag, tinawag ni Cayetano na “ipokrito” ang ginagawang pagpuna nina Former President Benigno Aquino III and Senate Minority Leader Franklin Drilon sa cauldron na ipinagawa para sa SEA Games. Sabay buwelta sa P10 billion na hiniling noon ng Aquino Administration para sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit upang i-host sa Maynila.

“Ang sinasabi ko lang yung hypocrisy na nung P10 billion ang hiningi nila sa Kongreso, para sa APEC, [sabi nila] para sa bayan ito, representasyon ito, karangalan ito. We have to spend on known artists and singers. We have to serve good food para maganda representasyon,” banat ni House Speaker Cayetano.

Iginiit din ni House Speaker Cayetano na ang cauldron ay isang “priceless work of art”.

“‘Yun nakita nila at justified nila pero yung P50-million na priceless work of art na forever pagmamay-ari ng gobyerno, sasabihin nila sana 50 classrooms na lang?” paliwanag ni Cayetano.

Ibinalik din ni House Speaker Cayetano kay Drilon ang problema patungkol sa mga silid aralan. Ayon kay Cayetano, isa si Drilon sa mga nagpilit na ipasa ang K-12 program khiat hindi pa umano ito handa.

“Sen. Drilon forgot na it’s their administration na nagpilit ng K-12 kaya nagkulang na naman ng classroom… So, do not talk to me about classrooms because you created the classroom shortage. Dapat we were on track na maging 40 o 45 (student) per classrooms, kung hindi muna natin pinilit ‘yung k-12. We were asking for 5 years bago mag K-12, “ resbak pa ni House Speaker Cayetano.

Sa press conference ni Pangulong Duterte, dinepensahan din niya ang halaga ng cauldron at sabay banggit sa “coliseum” na pinaggawa ni Drilon sa Iloilo.

Source: ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén