Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Panoorin: Driver, Binato at Minura-mura ang Kapwa Motorista!

Sapul sa video ang pagwawala ng tisoy na driver at kung paano niya mura-murahin ang kapwa niya motorista. Sa isang bahagi ng video, maririnig na sinabi ng mga tao sa loob ng sasakyan na binato umano sila ng Tisoy na driver. Dito sinagot ni Tisoy na “Eh tan**-ina ka kasi ang bastos mo” ang driver ng L-300.

Ayon sa tisoy na driver, ginigitgit daw siya ng L-300 na agad naman pinabulaanan ng driver. Maririnig din na ilang beses pinapaalis ng tisoy na driver ang kaalitan nitong motorista. Makailang ulit din na dinuro-duro ng tisoy na driver ang kaalitan nito at pati ang asawa.

Ang video ay in-upload ni Merly C. Paredes. Habang isinusulat ang blog post na ito ay umabot na sa lagpas 16,000 beses na naibahagi ang video at umani na rin ng libo-libong komento at reaksyon mula sa mga kababayan natin.

“Panoorin nio ang isang mayaman lasing na driver at kung panu murahin ang isang kawani ng gobyerno at kayo humusga kung dapat ba nasa kalye ang mga ganitong klaseng tao.. Porket mayaman ka lalaitin mo mga ordinaryong tao, May pag lalagyan ka sa ginawa mo,” sabi ni Paredes.

May ilang netizens na nag-post ng video ng pakikipag-away ng parehong driver sa ibang pagkakataon.

Ayon sa ilang ulat, ang warfreak na driver ay isa palang doktor na nagngangalang Tomas Mendez.

Inilapit na ng opisyal ng Department of Transportation (DOTr) ang insidente sa Land Transportation Office (LTO) para matugunan.

“Ni-report ko na po siya sa LTO at ang sagot po ni Asec. Galvante ay agad-agad na isu-summon nila ‘yung driver. Inalam nila kung ano ang identity… Kung ako, judging from what I saw from the video, kung ako ang tatanungin ‘diyan, hindi na dapat bigyan ng lisensiya ng ganyang klase ng mga tao. Pag kayo ang nagmamaneho dapat marunong kayo mag-control ng temper. Isipin niyo na lang kung paano may hawak na armas iyan, konti gitgitan sa kalsada baka makapatay iyan,” sabi ni DOTr Asec. Libiran.

Source: Merly C. Paredes | Radyo Pilipinas 738

Leave a Reply

Theme by Anders Norén