Local News

Panoorin: Driver, Dinuro-duro at Pinagsisigawan ang Traffic Enforcer!

Kamakailan lang ay nag-viral ang away trapiko ng doktor na si Tomas Mendez at ang L300 driver na si Santiago Paredes. Sa video na kumalat, mapapanood ang doktor na pinagmumura at pnilalait si Paredes. Inaksyunan na ito ng ahensiya ng gobyerno at pinagpapaliwanag ang naturang doktor.

Ngayon naman ay may kumakalat na away trapiko sa pagitan ng babaeng driver at ng traffic enforcer. Sa video na ibinahagi ng Facebook page na Pinoy Trending News, mapapanood ang babaeng driver na pinagsisigawan at dinuduro-duro ang traffic enforcer. Base sa takbo ng pag-uusap ng dalawang panig, nagmaneho daw ng kotse ay bata at wala daw itong lisensiya.

Ayon naman sa babaeng driver, bumaba daw siya ng sasakyan upang kunin ang gamot ng kanyang ina. Sabay banat sa enforcer na sasagutin daw ba nito kung may mangyari sa ina niya. Dagdag pa ng babae, nagagalit daw agad ang enforcer at hindi tinatanong ang sitwasyon.

Buwelta naman ng mga traffic enforcers, may pagka-arogante daw ang babaeng driver at pumapalag pag tinetiketan.

Habang isinusulat ang blog post na ito ay umabot na sa lagpas 4,000 na ang nagbahgi ng video at umani na rin ito ng libo-libong komento sa mga netizens.

Narito po ang komento at reaksyon ng ilang kababayan natin sa video.

🤣🤣🤣🤣 Grabe na talaga ang Pilipinas, ang daming mayayabang at arogante!! Kailangan bang magtanong pa ang enforcers kung saan galing at ano ang ginawa ng driver bakit iniwan ang sasakyan sa daan?! Sobra na mga nalalaman sa batas ang mga taong ganito!’ Me mga sariling batas ,” sabi ni S. Solomnzki.

“mali enforcer, galit na nga driver kasi iniisip niya nanay niy a na may sakit… parang nagtritrigger pa ng enforcer para magalit pa ng husto yung babae,” sabi ni O. Espenilla.

“Kaya magulo ang sasakyan dahil hendi tayo nagbigayan respeto ang kailangan kaya kunting mali lang away agad kaya balang araw tayo pinoy mag patayan sa isat isa ang tawag dyan revolusyon,” sabi ni A. Chiong.

Source: PTN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén