Local News

Panoorin: “Drug War ni DU30, Failure Talaga! Ang Score 1 over 100!” – Leni

Matapos ipagpaliban ng ilang linggo ay inilabas na ni Vice President Leni Robredo ang kanyang ulat tungkol sa natuklasan umao niya sa kampanya kontra-droga ng Duterte Administration noong siya ay naging parte ng Inter-Agency Commitee Against Illegal Drug (ICAD).

Sa kanyang pagsasalita muli sa media, nanindigan si Robredo na talagang palpak ang kampanya kontra-droga ng pamahalaan at kung bibigyan niya daw ito ng grado ay 1 over 100.

“Failure talaga siya… Isipin na lang natin kung exam ito, ang magiging score ng ating pamahalaan ay 1 over 100… Kung gusto talaga nating tapusin ang salot ng mga iligal na droga, mga malaking supplier at hindi lang ang maliit na pusher ang kailangan nating habulin… Sa kabila ng lahat ng Pilipinong pinatay at lahat ng perang ginasta, hindi lumampas sa 1 percent ang naipit natin sa suplay ng shabu at sa perang kinita mula sa droga,” boladas ni Vice President Robredo.

Naniniwala din ang bise presidente na dapat ilipat ang pamamahala ng ICAD mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) patungong Dangerous Drugs Board (DDB).

“Pag PDEA kasi, law enforcement. Yun siguro yung isang failure ng ICAD, na yung chairmanship niya binigay niya sa PDEA…Kung DDB, ang tingin namin, yung perspektibo mas malawak, mas strategic yung pagplano ng programa.,” dagdag pa ni Vice President Robredo.

Source: CNN Philippines | News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén