Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Panoorin: “Para kang Penguin” DU30, Binanatan si Sen. Gordon!

Hindi nagustuhan ni Presidente Rodrigo Roa Duterte ang pagkuwestiyon ni Senador Dick Gordon sa pagtatalaga nito ng mga opisyal mula sa kasundaluhan para magsilbi sa kanyang gobyerno.

“Ang problema lang kay Presidente, mababaw ang bench nya. He comes from the province, hindi niya nakilala. So, mas nagre-rely siya sa military… It’s a dangerous one because civilian authority must remain supreme over the military. Dapat 3 years muna bago ka i-appoint.. para mawala muna yung ties mo. The ties that bind… Nagsasabi si Presidente na may mag coup, magkakagulo, aba kinakabahan ako, nandyan na mga sundalo baka mamaya yung mga sundalo katulad nung nangyari kina (then Defense Secretary Juan Ponce) Enrile noong araw bakit kasi binigay nyo pa, nandyan na tayo, dapat tayo na,” sabi ni Gordon sa isang pahayag.

Ayon sa Pangulo, hindi iligal ang kanyang ginagawa at mas mabilis umano trumabaho ang mga galing sa kasundaluhan.

“Do not be too presumptuous about your talent. Why do you criticize me? It’s my prerogative. It is not prohibited by law… I’m challenging him, give me one specific instance that the military or the police or the DILG [Department of the Interior and Local Government] membership or group of entities, bureaus under it disobeyed a single order galing sa akin,” abant ng Presidente.

Hindi rin naiwasan ng Presidente na buweltahan ang kapasidad ng pag-iisip ni Senador Gordon at sinabihan ang senador na huwag makialam sa kanyang trabaho.

“My brain stays in my head. Yung utak mo, Dick, natutunaw. Napupunta diyan sa tiyan mo. You are a fart away from disaster. Intindihin mo muna ‘yang tiyan mo bago ka makialam sa trabaho ko,” resbak ng Pangulo.

Ang mga pahayag na ito ay sinabi ni Presidente Duterte sa kanyang talumpati sa 28th founding anniversary ng Bureau of Fire Protection sa Pasay City.

Source: GMA News | Inquirer | RTVM via Rappler | Politiko

Leave a Reply

Theme by Anders Norén