Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Panoorin: DU30, Inatasan ang NFA na Bilhin ang Palay ng mga Magsasakang Pinoy!

Sa gitna ng patuloy na pagbaba ng presyo ng palay sa ilang lugar at pagdaing ng mga magsasaka, nagbigay na ng direktiba si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa National Food Authority (NFA) na bilhin ang mga palay ng mga kababayan nating nagsasaka.

Sa press conference sa palasyo, sinabi ni Pangulong Duterte na dapat tulungan ng gobyerno ang mga magsasaka na nakakaranas ngayon ng kagipitan dahil sa mababang presyo ng mga palay. Giit ng Presidente, dapat bilhin ng gobyerno ang mga palay sa makatarungang presyo. Handa rin daw ang gobyerno na malugi para lang maisalba ang kabuhayan ng mga magbubukid.

“What the solution should be, or will be for the secretary of the Department of Agriculture to buy all, magkano ba presyo nila? Magkano presyo nila, bilhin natin, lugi? Lugi talaga. Are we wasting money? No. We are not wasting an industry. We’re helping an industry. So malugi tayo, eh di malugi… You cannot demand a price. You arrive at a compromise of how much you’re willing to lose a little bit. Medyo tapatan lang basta hindi malugi yung pagod nila, they are compensated,” sabi ni President Duterte.

Sa parehas na media conference, dinepensahan ni Pangulong Duterte ang rice tarrification law na sinisi ng ilang sektor kung bakit naghihirap umano ngayon ang mga magsasaka. Paliwanag ng Presidente, ang batas ay para sa kabutihan ng lahat.

“Now, itong tariffication is a mode that is intended to serve the greater interest of the majority of the people. So, ang solusyon diyan, bilhin natin. Malugi tayo, malugi tayo. Kaya tayo nagkokolekta ng taxes para malugi,” sabi ni President Duterte.

Ang rice tarrification law ay naging batas nito lamang Pebrero 2019. Layon nito na mapababa ang presyo ng bigas sa pamamagitan ng pagbili ng mga negosyante sa mga foreign sources. Kailangan lang ng mga negosyante na magbayad ng 40% na taripa. Ang kikitain mula sa taripa ay gagamitin naman para pondohan ang mga programang makatutulong sa mga magsasaka tulad ng rice storage, mass irrigation at iba pa.

Source: Politiko CNN Philippines

Leave a Reply

Theme by Anders Norén