Local News

Panoorin: DU30, Ipinatigil ang PCSO Lotto Operations dahil sa Massive Corruption!

Sa pamamagitan ng social media page ng Presidential Communications Operations Office, inanunyso ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kagabi na ipinatitigil niya na ang lahat ng klase ng gambling operations ng pinatatakbo at pinangangasiwaan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Ayon sa Presidente, ginawa niya ito dahil sa labis na korapsyon na nangyayari umao sa ahensiya.

“I have today ordered the closure the stoppage of all gaming schemes of whatever nature, however done that got their franchises to do so from the PCSO. The ground is massive corruption involving all,” sabi ng Pangulong Duterte.

Iniutos din ng Presidente na kanselahin ang lahat ng lisensiya at prangkisa na ibinigay ng PCSO.

“It becomes illegal because as of today all of those permits and concessions or whatever are terminated,” ani Presidente Duterte.

Ayon sa Presidente, hindi niya susundin ang anumang court order na pipigil sa kanya para ipasarado ang operasyon ng mga pasugalan ng PCSO.

“As of today I will not honor any any order from any court stopping us or enjoining us to stop our desire to go into a massive investigation for the massive corruption that is existing in the PCSO,” dagdag pa ng Presidente.

Binigyan din ng Presdiente ng 24-oras na palugit para matanggal ang mga PCSO gambling schemes sa mga pampublikong lugar.

“Since as of this moment beginning now, the licenses and franchises of whatever kind or nature granted by the PCSO as to all gambling schemes lotto peryahan ng bayan, STL, and those machines there that can be found everywhere, I will give them 24 hours to remove them from the public places,” pahayag ng Pangulo.

Nagbigay ng direktiba ang Presidente sa kapulisan at kasundaluhan na huliin ang sinumang lalabag sa kanyang kautusan.

“I am ordering the PNP chief Albayalde to arrest anybody and those also for the military, si (Armed Forces chief of staff Benjamin) Madrigal, to arrest people engaged in gambling activities in connected with the franchises, licenses and concessions granted by the PCSO,” banta ng Presidente.

Source: PCOO

Leave a Reply

Theme by Anders Norén