Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Panoorin: DU30, Mag-aalok ng P50 Milyon sa NPA upang Todasin ang kanilang Lider

Tila napupuno na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kabalbalang pinaggagawa ng mga rebeldeng komunista New People’s Army (NPA).

Nag-aalok ang Pangulo ng halagang aabot P50 milyon sa mga miyembro ng NPA para patayin ang kanilang mga lider. Ito ay para maresolba ang kaso ng pamamasang sa apat ng pulis sa Negros Oriental.

“So at this time, it is 6 million. Irrespective police or civilian, kung sinong makatiklo niyan, six million na ‘yan. Kung dalhin mo ‘yang ulo dito sa harap ko, huwag mong dalhin ‘yang ano kay mabaho na ‘yang p***** i****
‘yan. ‘Yung ulo ilagay mo na lang ng dry ice. Dito, ipakita mo sa akin diyan sa media. Give to me his head. As of now, it’s 6 million. Kaya babasahin ko ‘yung affidavit. Ngayon, 6 million. Bukas kung — I can confirm it independently doon sa kabila. Kasi paabutin ko ng 30, 50 million ‘yan. Pagdating ng 50 million, sabihin ko,
o sige, maski sinong leader diyan, patayin ninyo. Ibigay ninyo ‘yung ulo. I will give you 50 million kung ilan kayo. Patayin muna ninyo ‘yung mga lider ninyo,”
sabi ng Pangulo.

Bibigyan din daw ng Presidente ng mga bahay ang sinumang makatotodas sa kanilang lider. Balak din magbigay ang Presidente ng TESDA training sa mga ito.

“Gusto ninyo may bahay pa kayo, may condo ‘yan sila. Then you train under TESDA, kay General Lapeña. Iyan ang sabihin mo. Sabihin mo sa mga tao ninyo,” alok pa ni Presidente Duterte.

Nagbigay na din si Pangulong Duterte sa Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) na mag-operate na rin para matugis ang mga rebeldeng pumaslang sa kapulisan.

“Sabihin niyo sa mga SAF. Mag-operate sila, kung hindi pa ‘yan, but I will conduct my own reading so that I can more or less, hindi malugi ‘yung gobyerno. Bibitawan ko ‘yung pera, hindi naman akin ‘yan,” atas ni Duterte.

Panoorin ang bahagi ng talumpati ni Pangulong Duterte laban samga NPA.

Source: PTV | Abante

Leave a Reply

Theme by Anders Norén