Local News

Panoorin: President Duterte, May Alay na Awitin kay Leni!

“Is there a song ‘Tinimbang Ka Ngunit Kulang?”

Ito ang naging tugon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte nang matanong ito kung may iaalay na kanta para kay Vice President Leni Robredo. Ayon kay Pangulong Duterte, iyon daw ang pakiramdam niya kay Robredo.

“Leni keeps on harping on so many things na it has not succeeded. Eh hindi namin masabi sa kaniya kung bakit eh. So sabi ko, ‘Why don’t you just join us?’ At actually it was an exasperation thing for me… Eh ‘di sabi ko, ‘Eh ‘di ikaw sumali ka na para malaman mo,” banat pa ni Pangulong Duterte.

Magugunita na itinalaga ni Pangulong Duterte si Robredo bilang co-chairperson ng Inter-Agency Committee Against Illegal-Drugs (ICAD) dahil sa patuloy nitong pagbatikos sa kampanya kontra-drog ang pamahalaan.

Pero hindi pa inaabot ng isang buwan si Robredo sa pwesto ay sinibak na ito ni Pangulong Duterte. Paliwanag ng Pangulo, ginagawa raw ni Robredo na “a–hole” ang sarili nito dahil kinonsulta ang mga opisyal ng US embassy, United Nations imbes na kausapin ang mga kaanak ng mga nabiktima ng mga durugista.

“Ang kinatatakutan ko magkalat siya… Kaya ako takot, the more that she stays with the ICAD, the more that she would create issues and the more that the people will be like wondering, ‘Ano bang totoo dito?… Ang kinatatakutan ko, kasi wala talaga siyang alam” buwelta pa ni Pangulong Duterte.

Source: GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén