Local News

Panoorin: DU30, Nagbanta ng ‘Pag Take Over sa Water Companies!

“How can you talk about correcting things? You collected from the people… Nagbabayad ang tao. Environmental ano. They just coated it with a very nice word. Pero actually it was a collection na for — to build a water treatment. It never came. Ang collection niyan, papaano?”

Sa kanyang talumpati para sa MASS OATH-TAKING ng mga NEWLY APPOINTED UNIFORMED PERSONNEL ng BUREAU OF FIRE PROTECTION (BFP), BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY (BJMP), AND THE PHILIPPINE COAST GUARD (PCG), muling binanatan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga water concessionaires.

Ayon sa Pangulo, gusto niyang makausap ang mga opisyales ng mga Maynilad at Manila Water. Pinagbantaan ng Pangulo ang mga nasabing kumpanya na ite-take over ng gobyerno ang pagpapatakbo ng supply sa Metro Manila kung hindi siya masasapatan sa paliwanag ng mga ito tungkol sa “tagilid” na kontrata tungkol sa water concession agreement.

“Isa-isahin ko sila. Ang abugado ng mga p***** i** gumawa ng kontrata. Sino ‘yung mga opisyal ng MWSS noon? Tanungin ko sila. What the f*** did you do and screwed the country? Ngayon, ‘pag hindi ako ma-satisfy, I will expropriate everything. Kunin ko lahat. Magdemanda ka nang magdemanda. Tutal dalawang taon lang naman tapos wala na ako. Anong idemanda sa akin? Sabihin ko ‘yang Coast Guard o. Iyan ang idemanda ninyo. Sabi ko, “‘Yan ang nagbulong sa akin na ganun ang gawin, ganito, ganyan, ganyan, ganyan,” banat ni Pangulong Duterte.

Inilarawan din ni Pangulong Duterte na “air tight” ang kaso na pwedeng isampa laban sa mga sangkot sa “tagilid” na water concessionaire agreement.

“I will feel the pulse of the people. „Pag sinabi nila, “Mayor, hiritan mo,” then I‟ll file economic sabotage. My case is airtight. Mismo „yung contract, ang p***** i** niya, kung iharap mo doon sa Anti-Graft Law, it mirrors — it is a mirror of the Anti-Graft and Corrupt Practices Law, Republic Act 3019,” palaiwnag pa ni Pangulong Duterte.

Source: PCOO | GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén