Local News

Panoorin: DU30, Naniniwala na Pinahinto ni Pastor Quiboloy ang Lindol!

“I believe in Pastor Quiboloy. When he said ‘stop’, eh kung nag i-stop, eh di what’s the trouble?”

Ganito ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte nang dumalo ito sa inagurasyon ng Acacia Hotel sa lungsod ng Davao. Kung magkakaroon daw si Pangulong Duterte na kapangyarihan tulad ng kay Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy, ipapahinto niya daw ang korapsyon.

“If I can only have that power doon sa mga kurakot na stop kasi alam mo dito ang Pilipino hindi mo talaga madala sa pakiusap,” sabi ni Pangulong Duterte.

Naging laman ng social media at ng balita ang naging pahayag kamakailan lang ni Pastor Apollo Quiboloy na pinahinto nito ang lindol na yumanig sa Mindanao.

“Noong lumindol ng 6.6 ay naroroon ako sa kuwarto ko. Ang sabi ko ‘lindol stop’, umi-stop! Tapos pangalawa, mga eleven siguro ‘yun. Nandiyan si Ingrid, nagsusulat ako, lumindol, sabi ko, ‘Stop’. Eh di umi-stop,” pahayg ni Pastor Quiboloy.

Sinabi din ni Quiboloy na dapat pasalamatan siya ng mga tao dahil sa pagpapahinto niya sa kalamidad.

“Pasalamat kayo sa akin kasi kung hindi ko pina-stop ‘yun, maraming kayong magigiba at mamamatay kayo,” dagdag pa ni Pastor Quiboloy.

Si Quiboloy ay kilala sa pagbibitaw ng mga kakaibang pahayag. Magugunita na sinabi din noon ni Pastor Quiboloy na siya ang may-ari ng sanlibutan at natalo niya si Lucifer.

“Takot ako makipag-debate? Hindi nga ako natakot kay Lucifer, sa inyo pa? Bakit ko kayo dedebatehin, ako na nga katotohanan. Ako ang daan at ang buhay. Pag hindi kayo dumaan sa akin, hindi kayo mapupunta sa langit. Paano niyo ako dedebatihin niyan? I am the way. Pag hindi kayo dumaan sa akin, hindi kayo mapupunta sa langit. Kahit ano pang gawin niyong pagtatampisaw diyan. Ako ang may-ari ng kaluluwa niyo. Ako ang may-ari ng sanlibutan niyo ngayon. Kayo ang sumuko sa akin sapagkat panalo na ako sa tatay ninyo na si Lucifer na siyang may-ari ng kaluluwa ninyo. Kaya pumunta kayo sa akin at sumuko,” sabi ni Quiboloy.

Source: Inquirer | ABS-CBN | GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén