Local News

Panoorin: DU30, Sinibak na si Faeldon!

Nagsalita na ang Pangulong Rodrigo Roa Duterte patungkol sa tadhana na kakaharapin ni Bureau of Corrections (BuCor) Chief Nicanor Faeldon.

“I decided, late last night, and my orders are: One, that I am demanding the resignation of Faeldon immediately; second, that I am calling for an investigation to be handled by the Ombudsman… Faeldon has to go because Faeldon disobeyed my order,” sabi ni Pangulong Duterte.

Ayon pa kay Pangulong Duterte, handa siyang ma-impeached o di kaya ay handa siyang bumaba sa puwesto.

Sinabihan niya rin ang mga presong nakalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law na sumuko sa loob ng 15 araw.

“You surrender, and have yourself registered with the BuCor. I will give you 15 days, liberty. Provided you make yourself available anytime that you will be called for investigation, to have a recomputation. If you do not, then beginning at this hour, you are a fugitive from justice. You will be treated as a criminal,” banta ng Pangulo.

Dinepensahan din ni Pangulong Duterte si Presidential Spokesperson Salvador Panelo patungkol sa isyu ng pag-refer nito sa sulat ng pamilya ni Ex-Calauan Mayor Antonio Sanchez sa parole board. Pawang referral lang daw ang ginawa ni Panelo.

Magugunita na naisama si Sanchez sa listahan ng preso na ipoproseso para sa GCTA Law. Nahinto ito nang umalma ang publiko. Si Sanchez ay convicted sa rape-slay case ng dalawang estudyante ng University of the Philippines Los BaƱos (UPLB) na sina Eileen Sarmenta at Allan Gomez noong dekada nobenta.

Source: ABS-CBN | ABS-CBN | Manila Times

Leave a Reply

Theme by Anders Norén