Local News

Panoorin: Enforcer na Nanakit ng Motoristang Na-Flatan ng Gulong, SINIBAK sa Trabaho!

Tinanggal na sa serbisyo ang enforcer na si Danilo Usi matapos itong manakit ng motoristang na-flatan ng gulong.

Sa video na kumalat sa social media, mapapanood kung paano ang naging ugali ni Usi habang nakikipag-usap sa Zaldy Eugenio, ang motoristang na-flatan ng gulong. Tinanong ni Usi kung paano daw minura si Eugenio pero nung sinabi ni Eugenio ang ginawang pagmmura ni Usi at biglang nanakit ang enforcer.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pamahalaan ng lungsod ng Quezon na sinaktan ni Usi si Eugenio. Lumitaw din na hindi pa ganap na traffic enforcer si Usi at nakabinbin pa ang aplikasyon nito.

Inirekomenda kay Mayor Joy Belmonte ni Traffic Czar Atty. Ariel Inton na ibasura ang palikasyon ni Usi at ito naman ang ginawani Mayor Belmonte.

Iginiit ni Mayor Belmonte na dapat ipatupad ng maayos ang no-contact apprehension upang maiwasan ang away sapagitan ng motorista at ng mga enforcers. Tiniyak din ng punong lungsod na bibigyan nila ng masusing pagsasanay ang mga enforcers sa kanilang syudad.

Nanawagan din si Mayor Belmonte sa publiko na isumbong sa pamamagitan ng hotline 122 ang mga enforcers na abusado.

Basahin ang buong kwento ng biktima na si Eugenio.

“share ko lang po itong nangyari sakin kaninang umaga mga paps, around 9:00am along sct. chuatoco likod ng amoranto stadium. Na flatan po yung sasakyan na minamaneho ko (starex van) sumabog po yung front right side na gulong pero pinilit ko naman po ito maitabi para hindi maka sagabal sa daan, at agaran ko naman itong inasikaso kaagad. Habang nagpapalit ako ng gulong nadaanan ako ng mobil ng mga tiga cityhall ng qc at mga naka motor na traffic enforcer (dpos) at sinita ako. Bumaba yung isang enforcer na naka motor at tinanong ako kung gaano katagal ko daw mai aalis or maayos ang sasakyan ko dahil may dadaan daw na vip, ang sabi ko cguro mga 15 to 30 minutes sir.. ang sabi nya cge bibigyan ka namin ng 15 min lang para mai alis ang sasakyan mo jan at kung hindi titikitan at i wrecker daw nila ako. Ang sabi ko sir baka hindi kayanin ng 15 min. lang pagpalit ng gulong kung gusto nyo tulungan nyo nalang ako dito para mapabilis.. at dun na parang na mis interpret nila pagkasabi ko at na insulto daw sila..

Bumaba ng mobil itong si (Danilo Dr. Usi) nakapangalan sa kanyang suot na id at mga kasamahan nya pinag mumura na ako ng p***ng i** mo sumasagot kapa!! Bilisan mo na jan!! baka gusto mo bitbitin ka namin at i-inquest sa presinto dahil sumasagot pa daw ako sa kanilang mga naka uniporme.. At dahil nakapalibot na po sila sakin, dito ko na po naisipan kuhanan sila ng video sa cp ko at pilit na pinapa ulit sakin ni (Danilo Dr. Usi) kung pano nya daw ako minura at bigla nalang po ako sinapok at tinamaan ang celpone ko na sa kabilang kalsada ko na po dinampot.

Kayo na po ang humusga sa mga abusadong kawaning enforcer na ito ng quezon cityhall (DPOS)

Ps: tinicketan parin po nila ako ng obstraction” salaysay ni Eugenio.

Source: ABS-CBN | PTV

Leave a Reply

Theme by Anders Norén