Local News

Panoorin: Ex-Mayor Sanchez, Nangakong Tutulong sa War on Drugs kung Makakalaya

Sa naging panayam kay former Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez, ibinulalas nito ang kanyang hangarin na tumulong umano sa kampanya ng pamahalaan sa paglaban sa bawal na gamot.

“Wala pa si Presidente Duterte, ayaw ko na ng drugs sa bayan ko. Basta ako, ipinaabot ko lang kay Presidente Duterte na makatutulong ako sa administrasyon niya sa paglaban sa droga,” sabi ni Sanchez.

Magugunita na noon ay may ilang ulat na lumabas patungkol sa pagkakasangkot ni Sanchez sa droga habang nakakulong ito. Dumipensa naman ang dating alkalde at nagpakita ng mga dokumento na nagpapatunay daw na na-absuwelto siya sa mga naturang kaso.

Si Sanchez at 6 pang iba ay nahatulan na makulong dahil sa kaso ng pagpaslang at panghahalay sa dalawang University of the Philippines Los Baños (UPLB) students. Pero hanggang ngayon ay todo tanggi pa rin sa Sanchez sa kaso at naninindigan na hindi niya ito ginawa. Hindi din daw siya hihingi ng paumanhin sa mga kaanak ng biktima.

Magugnita na sinabi former Special Assistant to the President at ngayo’y Senador Bong Go na nagalit si Presidente Rodrigo Roa Duterte sa balita na posibleng makalaya si Sanchez.

“I cant speak in behalf of the (President), pero kami nung nag usap kami ng Pangulo talagang nagalit din siya..Sinabi niya di rin siya sang-ayon at may mga sinite din siya na batas na minimum. In short, ayaw din niya, galit po siya,” sabi ni Go.

Para naman kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, hindi na kataka-taka na magalit si Presidente Duterte dahil sangkot si Sanchez sa karimarimrim na krimen.

“I’m not surprised. Why? Because the law is very categorical that those convicted of heinous crimes, among others, are disqualified. They’re not within the coverage of Republic Act 10592… Magagalit siya (He will get angry) because if the law says he is disqualified, bakit mo iko-consider,” sabi ni Panelo.

Source: GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén