Local News

Panoorin: Fake News ukol sa Coronavirus, Pakana ng Dilawan – DILG Official

Sa isang video, pinalagan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecrretary Epimaco Densing III ang pekeng impormasyon patungkol sa pagpapalabas daw ng kanilang ahensiya ng memorandum circular na nagsasabing isasaililam sa 14-day quarantine ang mga manggagaling sa bansang China, South Korea, Vietnam, Sweden, Japan, Cambodia, THailand, Finland, Nepal, Canada, Italy, Russia, Spain, Singapore, Australia, Malaysia, UK, USA, France, India, Sri Lanka, Germany at UAE.

Nilinaw din ni USec. Densing na mayroong lang travel ban sa Macau, Hongkong at China. Pinaliwanag naman ni Densing na pwederng umuwi sa Pilipinas ang mga Filipino citizens.

“Importanteng maintindihan niyo ito para masabi natin sa ating mga kababayan ‘yung epekto ng fake news na iyon. Ibig sabihin lahat ng mga tao na manggagaling sa bansa na iyon, hindi na pupunta ng Pilipinas because they will be subjected to 14-day quarantine period. So, hindi na sila pupunta ng Pilipinas. Paki-tulungan kami na spread out hindi po totoo,” sabi ni DILG Usec. Densing.

“Baka sa dilawan ito nanggaling. Alam niyo naman ang dilawan ay gagawa ng fake news para magkagulo tayo dito sa bayan. Medyo nagkakaroon ng panic. Maraming ahensiya ng gobyerno pati ang Bureau of Immgration ay nagtatanong kung nag-issue ang DILG ng ganoong memorandum circular ,” dagdag pa ni Densing.

Source: DILG Usec. Epimaco Densing via Flick-Click

Leave a Reply

Theme by Anders Norén