Local News

Panoorin: Footage ng Aktibistang may Hawak na Armas, Binunyag ng Anti-Communist Task Force!

Kamakailan lang ay naglunsad ang pwersa ng gobyerno ng operasyon laban sa mga rebeldeng komunista na nagresulta sa pagkamatay ng 9 na indibiduwal.

Giit ng mga leftist at human rights groups, ang mga nasawi daw ay pawang aktibista lamang. Isa sa mga napulbos ng tropa ng gobyerno ay si Ariel Evangelista.

Rumesbak naman ang mga opisyal ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC). Ibinahagi nila Usec. Lorraine Badoy at Lt. General Antonio Parlade ang video kung saan may hawak-hawak na baril si Evangelista.

“Namatay si Ariel Evangelista nung lumaban at hindi na lang sumuko ng tahimik nung inaaresto sya nung Isang Linggo sa CALABARZON.
Sabi ng mga prente ng CPP NPA NDF na tulad ng KARAPATAN, NUPL, BAYAN MUNA, GABRIELA, ACT, KABATAAN, etc na ordinaryong aktibista lang daw si Ariel Evangelista.
Tigas ng mukha 😂😂😂
Mga ulol. Hahahaha
Kaso eto ang video ni Ariel Evangelista na hawak ang matataas na kalibreng armas nya at pati mga bala habang kumakanta ng mga kantang CPP NPA NDF na nakakangilabot.
At kasa-kasama ang mga kapwa NPA. Lord, andaming ebidensya nito. Kulang na lang ipentel pen sa noo nila ang “NPA AKO/ATL NOW!!” Lol
PAG MAY HAWAK KA NG BARIL, HINDI KA NA AKTIBISTA.
TERORISTA KA NA.
May pakanta kanta pa tungkol sa armadong pakikibaka bilang solusyon sa mga problema sa gobyerno.
Kaya nila ipinipilit na aktibista lang si Ariel Evangelista ay para gamitin ito sa pagbara ng ANTI TERRORISM LAW at talagang mabali bali mga buto nila at patigasan na lang ng mukha sa pagsabing “Aktibista lang sila.”, habang pinagtatawanan sila ng madlang Pilipino.
Age of information, baby.
So I guess this is the part where we say, “Checkmate.”” pahayag ni Usec. Badoy.

Source: Usec. Lorraine Badoy | Lt Gen. Parlade

Leave a Reply

Theme by Anders Norén