Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Panoorin: “Gawing Acting President si Leni!” Banat ni Father Robert Reyes

Matapos hamunin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Vice President Leni Robredo na maging drug czar at manguna sa kampanya kontra-droga ng anim na buwan, kanya-kanyang depensa ang ginagawa ng mga kaalyado ni Robredo para sa kanya.

Banat ni Liberal Party Senator Francisco “Kiko” Pangilinan, hindi daw dapat 6 na buwan kundi bigyan daw si Leni ng 3 taon o katapusan ng termino ni Pangulong Duterte para lutasin ang problema sa droga.

“Bakit naman six months lang? Gawin na nilang three years… 3 years na nilang hawak ang law enforcement so dapat lang 3 years din ang ibigay na oras para fair!,”boladas ni Kiko.

Patutsada naman ni Otso Diretso ex-senatoriable Florin Hilbay, maari daw bang isuko na lang ni Pangulong Duterte ang pagka-presidente nito.

“Why not just surrender the presidency by resigning? Subukan natin,” sabi ni Hilbay.

Ikinumpara naman ni opposition senator Risa Hontiveros si Pangulong Duterte sa isang mag-aaral na pabida sa klase.

Ngayon ay nagsalita na rin si Father Robert Reyes. Binatikos nito ang palugid ng Presidente kay Leni. Para kay Father Reyes. dapat daw ay gawing acting-president si Leni at huwag muna maging Presidente si Pangulong Duterte.

“Kung sasabihin niya na mag drug czar (si Leni), eh di magbakasyon muna si Duterte sa China. Hindi muna siya Presidente. Si Leni ang acting Presidente,” panukala ni Father Reyes.

Depensa pa ni Father Reyes, bitag lang daw ito ng Duterte Administration laban kay Leni. Planado daw ang lahat para pumalpak si Leni bilang drug czar.

“Si Leni ay nasa ibaba, hirap na hirap at walang pondo. Tapos susubkan niyang lutasin ang problema na sa totoong lang ay protektado. Eh di sa hulihan o after six months ay papalpak si Leni. Tapos sasabihin ni Duterte, ‘Tignan mo. Ikaw ang may problema. Hindi ka nag-iisip. Akala mo madaling lutasin ito’… Nakikita ko na ‘yung scrip eh,” depensa pa ni Father Reyes kay Leni.

Source: News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén