Local News

Panoorin: Ginang, Ninakawan na at Sinakal pa ng Menor de Edad!

Kaawa-awa ang sinapit ng isang babae sa Lungsod ng Quezon, pinasok na ng kawatan ang kanyang tahanan para makapagnakaw, sinakal pa siya nito. Nangyari ang krimen, mga bandang alas-10 ng gabi.

Ang ginawang kabalbalan ng kriminal ay huli sa CCTV footage ng bahay. Sa kuha ng CCTV, makikita ang pagsilip ng suspek sa kuwarto kung saan natutulog si Frecilyn Bace at ang kasamang nitong babae. Ilang sandali pa ay sinimulan na ng kawatan ang pagnanakaw. Hindi pa nakuntento at nilapitan ng suspek ang biktima at biglang sinakal.

“Ang ginawa ko ay nanlaban po ako. Pag ano niya po, siguro naramdaman niya na sobrang lakas ng tadyak ko sa kanya, tumakbo po siya palabas at hinabol ko po,” sabi ni Bace.

Nahuli ng mga alagad ng batas ang suspek at natuklasan na naninirahan ito malapit lang sa bahay ng biktima. Ang suspek ay menor de edad kaya hindi idineretso sa bilangguan bagkus nai-turn over lang siya sa Department of SOcial Welfare and Development (DSWD). yon sa otoridad, makakasuhan naman daw ng robbery at attempted homicide ang kawatan pag tumuntong na ito sa wastong gulang.

Narito po ang komento at reaksyon ng ilang kababayan natin sa ginawang kabalastugan ng menor de edad.

“Yung batas dapat about sa mga Menor de edad ang amyendahan or baguhin ng mga Mambabatas. Dahil ang mga menor sa panahon ngaun ang maraming nagagawang mga krimen kaliwat kanan sa balita ang mga krimen nila lalo na ang pagpatay. Hindi yung Sogie bill or divorce at iba pang walang kwentang batas na ipinipilt nila aprubahan.,” sabi ni J. JTorch.

“Ang lalakas ng loob gumawa ng ganyan..prang nakasandal sila sa isang batas na hindi sila pwding gibahin!! Kpg nadisgrasya sa kanilang pinaggagawa maghahanap ng Human rights,” sabi ni A. Ng.

“Ayaw pa rin ibaba ang age criminal liability? Hintayin pa ba natin maulit o me ma patay pa na biktima ang mga to? Consider the number of under age ngayon kung ilan ang uulit sa mga kalokohan dahil di sila ma kulong. Pag dating ng tamang edad sanay na yang mga yan at maghahanap ng mas matinding kalokohan. Ayusin natin ang Pilipinas,” sabi ni K. Catajoy.

Source: GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén