Local News

Panoorin: “Ginigisa tayo ng Water Companies sa Sariling nating Mantika” – Sen. Go

“Business without conscience is just greed,”

Sa kanyang talumpati sa Senado, binakbakan ni Senador Bong Go ang mga water concessionaires na nasasangkot sa ngayon sa isyu government contracts na inilarawan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na “tagilid” para sa taumbayan at pamahalaan.

Ayon kay Go, tila ginigisa daw ang sambayanan sa sarili nitong mantika. Inabuso din daw ng mga water companies ang tubig at tiwala ng mga Pilipino.

Ibinunyag pa ni Go na hindi daw nagbabayad ng corporate income tax ang mga naturang water companies dahil ipinapasa lang daw ito sa mga consumers.

Banat pa ni Go, sa pamamagitan daw ng mga fixers ng Manila Water ay patuloy na tinututulan ang mga proyekto upang mapabuti ang water systems. Ginawa daw ng kumpanya ito upang makapagpatayo ng sariling water provider at magkapagtaas ng singil kung kailan daw nito gusto.

Pinuna din ni Go ang pangongolekta ng mga water concessionaires ng environmental charges sa mga consumers kahit hindi nakakapagserbisyo ng septic tank dislodging.

“Tayo pa ngayon ang magbabayad ng bilyon-bilyon mula sa kaban ng bayan dahil pinigilan sila magtaas ng singil ng serbisyo na napakababa ng kalidad. Buong bansa ang magbabayad, hindi lang ang kliyente ng mga concessionaires na ito, the whole constituency, not just the part of it. It will bear the brunt of the greed and selfishness of these big concessionaires,” buwelta ni Go.

Nilinaw naman ni Senador Go na hindi siya kontra sa pagnenegosyo. Sa katunayan daw ay sinusuportahan niya pa ito.

“The government and the people our now at the mercy of these big concessionaires. It is apparent that many of the provisions in the concessionaire agreement are unfair and unjust to the Filipio people. Kaya ang tanong ko, sino ba ang mga abogado at opisyal na nakaupo nang pina-bid at ginawa ang mga kontrata na ito? Bakit pinalusot ninyo?”dagdag pa ni Go.

Source: Senador Bong Go’s Speech via Ang Malayang Pilipino

Leave a Reply

Theme by Anders Norén