Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Panoorin: Grace Poe, Supalpal kay House Speaker Cayetano!

Sa kanyang panayam sa programa ng ANC, tinalakay ni former Senator at ngayo’y House Speaker Alan Peter Cayetano ang naudlot na emergency powers na hinihiling noon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at kung paano ito naharang dahil kay Senadora Grace Poe.

“I will not anymore (push for emergency power) because the President (Duterte) said that he doesn’t want it anymore and you can not attack a crisis with emergency powers when you are in a middle of it already,” sabi ni Cayetano.

Ibinunyag din ni Cayetano na hindi totoo ang ilang sinasabi ni Poe tulad ng kawalan ng proposal ng Department of Transportation (Department of Transportation (DOTr) para sa emergency powers.

“Traffic is something very difficult because there is very little short term solution, medieum and long term. Mayroon tayong window for a short term solution noong 2016. I was one of the authors of the emergency powers sa senate. it is not ture na walang proposal ang DOTr and it’s not true na walang boundaries ang emergency powers,” banat ni Cayetano.

“Ang gusto niya ay naka-detalye na parang appropriation bill. Eh kaka take-over pa lang ng administration at ia-assess pa nga lahat. Kaya nga emergency power eh,” dagdag pa ni Cayetano.

Napag-usapan din ang paggamit ni Poe sa isyu ng anim na buwang Boracay rehabilitation para harangin ang emergency powers.

“The rehab of Boracay, no comparison. Unang-una it is an island for tourism at ang (isinailalim) sa rehab ay ‘yung dagat, nature, sewerage, hindi naman traffic. Kung ganoon ang gusto ni Senator Grace, is she saying na isara natin ng 6-months ‘yung EDSA,” paliwanag ni Cayetano.

Buwelta pa ni House Speaker Cayetano, puro problema ang tinatalakay sa senado. Sa kongreso daw ay susubukan nilang hanapan ng solusyon ang problema at kung paano sila makakatulong sa pamahalaan.

Source: ANC via Mindavote

Leave a Reply

Theme by Anders Norén