Local News

Panoorin: ‘Gusto ko na umiyak sa harap ninyo pero naubos na ang luha ko’ – PDU30

Sa kaniyang pinakahuling public address, ibinulalas ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang hirap sa pag-angkat ng bkuna.

“It’s the C0V1D that’s taking most of my time looking for ways at kung ano na ang nangyari sa labas…. We have to understand government. Medyo stretch your patience and understanding. We are doing our best. We are not vccne-producing country. So, naghihintay tayo…Gusto ko na nga umiyak sa harap ninyo pero naubos na ang luha ko… Yung nadiskaril sa finances nila, magdasal lang kayo. We will give you the ayuda,” sabi ni Pangulong Duterte.

Ipinaliwanag din ng Pangulo ang pagpapatupad muli ng enhanced community quarantine sa ilang bahagi ng Luzon.

“Lockdown na ‘yan eh. Halos. Ako ang pinakahuling tao dito sa Pilipinas na magpapahirap sa Pilipino. Kung nandyan lang sa akin ang magic wand na maalis agad ang problema natin, gagawin ko,” ani Pangulong Duterte.

Binunyag din ni Pangulong Duterte na may bansang nagsasapawan sa bkuna. Inanunsyo din ng Pangulo ang pagbibigay permiso sa mga pribadong kumpaniya na mag-angkat ng bkuna.

“There’s a ruckus going on and the fight for vccne possession is ongoing. It’s a very serious one… Itong mga country na sinabi ko, nag-aagawan sila. Kailangan sabihin natin ‘yan para malaman how unfair it is really if you are on the side of the poor. I have ordered Sec. Galvez to sign any document that will allow the private sector to import at will,” dagdag pa ni Pangulong Duterte

Source: news5 | RTVM

Leave a Reply

Theme by Anders Norén