Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Panoorin: “Haharapin niyo ngayon ang Batas” – Mayor Isko sa Nahuling Panday Sining!

Sa isang social media post, nag-iwan ng mensahe si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa mga miyembro ng Panday Sining na inaresto kahapon matapos magsagawa muli ng bandalismo sa lungsod ng Maynila.

“You were warned. Nag-abiso na ako. Nananawagan po ako na huwag ninyo nang ulitin. Inulit niyo pa rin. Sinusubukan niyo kung may batas at liderato sa Maynila. Kailangan niyo pong harapin ngayon ang bisa ng batas,” sabi ni Mayor Isko.

Sa video na ibinahagi ng News5, makikita ang ilang miyembro ng Panday Sining na nagsasagawa ng pambababoy sa isang poste ng Light Rail Transit (LRT) kasabay ng ika-156 na anibersaryo ng kaarawan ni Gat Andres Bonifacio.

Naging laman ng mga balita ang Panday Sining noong nakaraan buwan dahil sa pambabalahura nila sa bagong linis na underpass sa tabi ng Manila City Hall. At kahit na inulan sila ng binatikos ng publiko ay pinandigan pa nila ang kanilang ginawang pambababoy. Para sa kanila, ang pagpipintura ng kanilang hinaing sa mga dingding at mga pampublikong lugar ay isang uri daw ng sining o art.

Magugunita na nagbanta si Mayor Isko sa Panday Sining na ipadidila sa mga ito ang mga pader sa underpass na dinumihan ng grupo.

“Huwag kayong pahuhuli sa akin. Sige, human rights… ‘pag nahuli ko kayo, padidila ko sa inyo ‘to. Buburahin niyo ‘to ng dila niyo… The same money that you pay our government, we are going to use, ang gagawin ko sa mga raliyista na ‘to, ‘yung pera na ibibigay ko sa inyo sa edukasyon, yon ang gagamitin ko para ipampintura ko ng dinumihan ninyong pader. O, magutom kayo lahat sa loob eskwelahan. Kung ako nasa national government, ‘yon ang gagawin ko. E kayo nagbababoy e, hindi po makatwiran ‘yan eh “ resbak ni Mayor Isko sa Panday SIning noong nakaraang buwan.

Kahapon din ay kumalat ang video kung saan inaresto ng Manila Police District ang ilang miyembro ng Panday Sining sa tapat ng San Sebastian Church.

Source: Mayor Isko Moreno | News5 | ABS-CBN | News5 | CNN Philippines’ Triciah Terada | GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén