Local News

Panoorin: ‘Halos Sabihin ni DU30 na Diyos Siya! Hindi Siya Diyos!’ – Father Reyes

Sa napipintong pag-anunsyo sa inisyal na resulta ng electoral protest ni former senator Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo, nagtipon-tipon ang mga taga-suporta ng dalawang panig malapit sa Korte Suprema para salubungin ang magiging desisyon ng mga hukom.

Isa sa mga nagpunta sa paligid ng Korte Suprema ay si Father Robert Reyes (aka The Running Priest). Ayon kay Father, dapat daw matakot ang mga justices sa Diyos. Hindi pa nakuntento si Father Reyes at bumanat pa kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Patutsada ng Pari, hindi daw Diyos ang Pangulong Duterte.

“Justices of the supreme cout, show the Filipino people that you fear the God that created you. The God who gave us the Philippines. The God who created every Filipino. This is the God you should fear. Not any other God. Not the God of Duterte. Not Duterte himself, who closely almost calls himself a God. He is not God,”boladas ni Father Reyes.

Sa kanyang pagsasalita, inungkat din ni Father Reyes ang nangyari kay former Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

“Justices of the supreme court of this land. only God is supreme not you. When you use the quo warranto and legally and unconstitutionally expelled one of your peers, the Chief Justice (Maria Lourdes Sereno),”banat pa ng pari.

Hindi naman napigilan ng ilang kababayan natin na magbigay ng opinyon sa mga pinagsasabi ni Father Reyes.

“Politicizing the Church is not the Catholic way. I have no issues with the activity. I have no issues with having a mass there. His actions and rants while wearing the cloth is another matter. Fr. Reyes is NOT the Catholic church,” sabi ni L. Veroy.

“Kahit anong sigaw mo pa jan father wlang silbi yang ginagawa mo, Wag nyo dinadamay ang dyos sa mga pinaggagawa nyo dahil sa kampo ni Marcos nagdadasal at nagmimisa din cla, walang kakampihan ang dyos sino man sa inyo,,, UMIILING NLANG ANG DYOS SA MGA PINAGGAGAWA NATING MGA KASALANAN DAHIL SYA LANG ANG NKAKAALAM KUNG CNO SA KNILA ANG MANDARAYA,” sabi ni Y. Jidan.

Source: News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: