Local News

Panoorin: “He Smiled” Pangulo, Nag-React na tungkol sa Sara-Digong Tandem sa 2022!

Kamakailan lang ay lumabas sa pre-election survey ng PUBLiCUS Asia na ang napipisil na kandidato ng mga kababayan natin sa Visayas at Mindanao ay sina Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio para sa pagka-presidente habang si Pangulong Rodrigo Roa Duterte naman ay sa pagka-bise presidente.

Dahil dito, kinuha ng media ng reaksyon ang MalacaƱang tungkol sa naging resulta ng pre-election survey. Sa press conference ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, sinabi nito na ngumiti daw si Pangulong Duterte nang nabanggit niya ang tungkol sa father and daughter tandem para sa 2022.

“I told him last night and he smile. If you speak of possibilities, then it’s limitless. Lahat pwede,” sabi ni Secretary Panelo.

Pinaliwanag din ni Secretary Panelo na nagawa na raw ito dati ng mag-ama sa Davao City kung saan tumakbo si Rody bilang bise alkalde habang ang anak niyang si Sara ay kumandidato bilang Punong Lungsod.

“That has been done before in the city of Davao when both of them ran as Mayor and Vice mayor. If he wants to run again, that is his call. But there has been emerging idea amongst the people that there should be a Duterte-Duterte tandem in the next presidential elections. The President is not prohibited from running as vice president,” ani Secretary Panelo.

Nilinaw naman ni Secretary Panelo na wala pa sa isip ni Pangulong Duterte ang 2022 elections dahil nakatuon sa kasalukuyan ang atensyon ng Punong Ehekutibo sa mga kapakanan ng bansa.

“Election is very far from his mind. Running from any office is far fetch at this time. His focus on his constitutional duties to serve and protect the people until the end of his term, he will do it with passion and dedication. And no force on earth or organizations or persons can stop or impede him from doing such task assign to him by the constitution,” dagdag pa ni Secretary Panelo.

Source: PCOO via Ang Malayang Balita

Leave a Reply

Theme by Anders Norén