Local News

Panoorin! Hinahamon si Isko? Mga Aktibista, Nambaboy uli ng Pader sa Maynila!

Noong nakaraang linggo ay naging laman ng balita ang ginawang pambababoy ng Panday Sining, art group ng leftist organization na Anakbayan, sa underpass malapit sa Manila city hall.

Ang ginawa ng mga aktibista ay inulan ng batikos mula sa mga kababayan natin hanggang sa mga opisyal ng gobyerno.

Isa sa mga nagbabala sa leftist group ay ang alkalde ng lungsod ng Maynila na si Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso. Sa isang pahayag, sinabi ng Punong Lungsod ng Maynila na ipadidila niya sa mga aktibista ang dinumihang pader ng underpass.

“Huwag kayong pahuhuli sa akin. Sige, human rights… ‘pag nahuli ko kayo, padidila ko sa inyo ‘to. Buburahin niyo ‘to ng dila niyo… The same money that you pay our government, we are going to use, ang gagawin ko sa mga raliyista na ‘to, ‘yung pera na ibibigay ko sa inyo sa edukasyon, yon ang gagamitin ko para ipampintura ko ng dinumihan ninyong pader. O, magutom kayo lahat sa loob eskwelahan. Kung ako nasa national government, ‘yon ang gagawin ko. E kayo nagbababoy e, hindi po makatwiran ‘yan e,” banat ni Mayor Isko.

Pero nagmatigas ang Panday Sining na ang kanilang ginawa ay sining. Dito raw nila idinadaan ang kanilang sentimiyento at hinaing laban sa gobyerno. Sa panayam sa representative ng Panday Sining na si Francis Joven, nagsabi ito na magsasagawa pa sila ng mga pagpipintura sa mga pader.

“Gagawin din namin ulit, may inihahanda kaming mga panibago. Ang ginagawa namin sa mga kalaban na sina Duterte, ine-expose. Ang batayan namin doon ay ang magiging dating sa mga estudyante at manggagawang dumadaan… Ang art ay literature ay ginagamit namin siya para ipanawagan ang pagkakaisa ng mamamayan at ipanawagan ang paglaban nila doon sa pinakasagad-sagaran kaaway ng sambayanan, ang Duterte Regime,” boladas ni Joven.

At ngayong araw ay may namataang bagong bandalismo sa Maynila. Sa pader ng Araullo High School, mababasa ang katagang “Makatwiran ang maghimagsik – PS”.

Source: Philstar| ONE News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén