Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Panoorin: ‘Hindi Lahat ng Adik nasa Squatter. ‘Yung iba na sa Fliptop’ – Rapper Tipsy D

Nitong nagdaang araw ay pumutok ang balita tungkol sa pagkakatimbog kay Marlon Peroramas o mas kilala sa tawag na “Loonie” sa eksena ng Hiphop. Naaresto ang hiphop artist matapos mahulian ng “kush” o high-grade marijuana na nagkakahalaga ng mahigit P100,000 sa isang condominium sa Makati City ng mga operatiba ng Makati City Police Station Drug Enforcement Unit.

Itinanggi ni Loonie ang mga sinabi ng kapulisan. Ayon sa rapper, nasa condominium daw siya para bisitahin ang isang batang may cancer.

Alam niyo ba na sa isang battle rap event ng Fliptop kung saan nakatapat ni Loonie ang kapwa Rapper na si Tipsy D, nagpahiwatig ang naging katunggali nito tungkol sa diumano’y bisyo ng ibang rapper?

Ayon kay Tipsy D, hindi lang sa mga slum area may mga durugista. May mga adik din daw sa Fliptop pero hindi niya na pinangalanan ang mga ito.

“Buti na lang hindi nag back-out, uso pa naman ang sumusuko na adik.

‘Yung baliktaran ko kay Flick-G, mukhang applicabale sa iyo.

Kasi kung dati may kanta kang kaya mo ba ‘to? Ngayon, Bato na ang may kaya sa iyo.

Dati, napapagaling ka ng bato. Ngayon, bato na ang may sakit sa iyo.

Dati, naghahanap ka ng bato. Ngayon, Bato na ang naghahanap sa iyo.

Chief Dela Rosa, salute sir sa palagi niyong pagsisikap. Kalaban ko po ngayon, user. After nito, paki kidnap.

Mr. President, hindi ako hater. Pero huwag niyo naman targetin ‘yung mga mahihirap. Hindi lahat ng adik nasa squatter. ‘Yung iba na sa Fliptop.” sabi ni Tipsy D.

Ang nasabing battle rap event ay nangyari dalawang taon na ang nakararaan pero inire-upload ang video clip nito sa isang Facebook page ilang oras matapos mabitag si Loonie dahil. Pumalo na sa lagpas 23,000 na ang nag-share ng naturang video clip at libo-libong reaksyon na rin ang inani nito mula sa mga kababayan natin.

Source: Fliptop via FBet

Leave a Reply

Theme by Anders Norén