Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Panoorin: “Hindi lang ‘Probinsyano’ ang Mag-Stop, baka pati ABS-CBN Mag-Stop!” – Pastor Quiboloy, Rumesbak kay Vice Ganda!

Sa kanyang programa, sinagot ni Kingdom of Jesus Christ leader Pastor Apollo Quiboloy ang hamon sa kanya ng talent ng ABS-CBN na si Vice Ganda.

Magugunita na hinamon ni Vice Ganda si Pastor Quiboloy na pahintuin ang EDSA traffic at gayun din ang longest running television series ng ABS-CBN na “Ang Probinsyano” matapos. Ang paghahamon ni Vice Ganda ay nag-ugat sa pahayag ni Pastor Quiboloy na siya ang nagpahinto sa lindol sa Mindanao.

“Nako, kabahan si Cardo! Ang pinakakalaban ni Cardo, ang feeling ko, si Quiboloy. ‘Yung nagpahinto ng lindol. Si Quiboloy lang ang magpapahinto ng ‘Ang Probinsyano,’ abangan niyo ‘yan… Sabi niya daw, stop! Sige nga, punta ka sa gitna ng EDSA, stop mo ‘yung traffic dun! Iba ka Quiboloy… So ano, Quiboloy, hinahamon kita, ipahinto mo nga ang ‘Probinsyano!’ Napahinto mo pala ang lindol, e. Napakayabang niyo pala,” hamon ni Vice Ganda kay Pastor Quiboloy.

Buwelta naman ni Quiboloy, baka hindi lang daw ang “Ang Probinsyano” ang huminto baka pati daw ang network na pinagtatrabahuan nito ay tumigil sa operasyon. Ang tinutukoy marahil ni Pastor Quiboloy ay ang napipintong pagkapaso ng prangkisa ng ABS-CBN sa Marso 2020. Magugunita na may mga pagkakataon na sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na gusto niyang harangin ang franchise renewal ng istasyon dahil umano sa pang-e-estafa.

“Kailan mo ba gusto ma-stop ang probinsyano? Ikaw, pumili ka. Kailan mo gusto mag-stop? Isang buwan? Dalawang buwan? Tatlong buwan? Apat na buwan? Baka sa apat na buwan ay hindi lang probinsyano ang ma-stop, baka pati ang network mo stop na iyan,” resbak ni Pastor Quiboloy.

Pinuri din ni Pastor Quiboloy ang karibal na programa ng noontime show ni Vice Ganda.

“Alam niyo kung bakit ko mahal si bossing Vic Sotto, pati ang programa niyang Eat Bulaga? Tignan niyo ang ginagawa nila para sa tao. Hindi nila pinapatutsada. Gumagawa sila ng paaralan at tinutulungan nila ang mga barangay… May pagtulong sila sa kanilang kapwa at ang kanilang joke ay natatawa ako, kasi ang mga humor ay maganda. Ang example nila sa mga Pilipino ay maganda. Hindi kabastusan, hindi kalokohan, hindi pagyurak sa honor ng mga tao, hindi ‘yung ipapahiya ka at pagtatawanan ka na at your expense ay gagawa sila ng joke,” buwelta pa ni Pastor Quiboloy.

Source: Sonshine Media

Leave a Reply

Theme by Anders Norén