Local News

Panoorin: Hindi lang Chinese? Mga Pilipino, Kumakain din ng Paniki!

Naging usap-usapan ang “bat soup” nitong nakaraang araw matapos itong iugnay sa bagong uri ng coronavirus na kumakalat ngayon sa Tsina.

Nitong nagdaang mga araw ay nag-viral ang isang video kung saan makikita ang paniki na nakababad sa sabaw. Ayon sa ilang mga ulat, ito ay kasama sa mga exotic foods na kinakain ng mga Tsino.

Isang video naman ngayon ang makikita sa internet na nagpapatunay na hindi lang mga Tsino ang kumakain ng paniki kundi mga Pilipino din.

Sa video ng Facebook page na Novelty Records, makikita na dalawang kababayan natin na kinakain ang paniki. Base sa usapan ng dalawa, maaaring unang pagkakataon nila na kakain ng “bat soup”. Ayon sa komento ng lalaki, amoy mapanghi daw ang pagkain pero lasang sinigang.

Hindi pa tiyak kung kailan at saan kinunan ang video.

Ang Tsina ngayon ay nakararanas ng krisis matapos mabilis na kumalat ang new coronavirus mula sa syudad ng Wuhan.

Ilang katao na rin ang nasawi dahil sa sakit at ang gobyerno ay nagpatupad na rin ng lockdown sa Wuhan upang maipigilan pa ang pagkalat ng karamdaman.

Ayon sa ulat ng Inquirer, umabot na sa ibayong dagat ang naturang sakit. Ilan sa mga bansang may kumpirmadong kaso ng bagong coronavirus ay ang Thailand, Singapore, France, South Korea, Japan, Vietnam, Nepal, Taiwan, United States at China.

Source: Novelty Records | Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén