Local News

Panoorin: “Hindi Tunay ang Pag-Unlad… Tinanggalan ng Lupa at Kabuhayan ang Aetas” – Risa

Sa pagtatapos ngayong araw ng Southeast Asian (SEA) Games, may pahabol na boladas si opposition senator Risa Hontiveors sa mga namamahala sa development ng New Clark City kung saan ginawa ang palaro.

“Pinagmamalaki natin ang mga katutubong kultura sa opening ng SEA Games sa New Clark City pero tinatanggalan naman natin sila ng lupa at kabuhayan. Hindi tunay ang pag-unlad kung may paglabag ito sa karapatan ng mga katutubo at ng kalikasan,” sabi ni Senadora Hontiveros.

Ayon sa senadora, papaimbestigahan daw niya ang impormasyon na nakarating sa kanya. Sa senate resolution ni Hontiveros, sinabi nito na 20,000 katutubong Aetas at 15,000 magsasaka ang naapektohan dahil sa proyekto ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA).

Sa isang pahayag ng BCDA, sinabi nito na walang komunidad ng mga Aetas ang na-displaced dahil hindi naman idineklarang ANCESTRAL DOMAINS ang New Clark City. Nagbigay din daw ng pinansiyal na ayuda ang gobyerno sa mga maapektohan dahil sa development ng nasabing lugar. Patuloy din ang pagbibigay ng pangkabuhayan sa mga kababayan natin naapektohan dahil sa development sa lugar.

“There are NO declared ANCESTRAL DOMAINS or Certificates of Ancestral Domain Titles (CADT) in the area. Therefore, Aeta communities are not displaced… A financial assistance package amounting to Php300,000 per hectare (or Php30.00/sqm) has been made available by BCDA to all project-affected people, including indigenous peoples (IPs) and farmers even at the start of the development. Relocation sites have also been provided by BCDA WITHIN New Clark City for those whose residential structures were affected… New Clark City continues to provide opportunities for everyone especially for the IPs/farmers who may be affected in the development of roads and other infrastructures,” pahayg ng BCDA.

Banat naman ng senadora, hindi daw sapat ang ginawa ng BCDA dahil naka-ugat na raw sa mga lupa ng mga katutubo ang mga kultura ng mga ito.

Source: News5 | News5| Philstar

Leave a Reply

Theme by Anders Norén