Local News

‘I Believed in Duterte’s Leadership’ – Anti-NPA Ret. General Palparan

Sa panayam ni former Presidential Communications Group (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson kay Anti-communist at Retired Army general Jovito Palparan, sinabi ng dating heneral na naniniwala siya na posibleng matapos ang pagrerebelde ng mga komunista sa panahon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“This is high time na matapos ito (communist) because I believed in President’s leadership. Very strong ang leadership ni President at ang influence niya sa tao. I think it is a big factor to end insugency,” sabi ni Palparan.

Naniniwala din siya sa pangunguna ni Pangulong Duterte. Ito lang daw ang tanging pagkakataon na mawakasan na ang ginagawa ng mga rebelde.

“Under the President’s leadership, I think mas madali ito. I think the only time we have a chance to end insurgency is under President’s leadership. Ganyan talaga ang tingin ko,” sabi ni Palparan.

Ibinunyag din ni Palparan na nanghihinayang siya dahil hindi siya makakatulong sa laban sa mga komunista.

“Sa totoo lang nanghihinayang ako na hindi ako na hindi ako makapag-participate (sa laban sa komunista) at this time na ganyan ang President natin. Nakikita ko na maganda na under sa time niya matapos talaga. He can do it,” sabi ni Palparan.

Tinawag si Palparan na “berdugo” or “The Butcher” ng mga kritiko nito dahil sa malupit na kampanya ng heneral laban sa mga rebeldeng komunista. Si Palparan ay commander of the 7th infantry battalion. Dalawang beses na-promote Palparan noong panahon ni former President Gloria Macapagal-Arroyo.

Si Palparan ay nakakulong ngayon matapos ma-convict sa kasong kidnapping kina Sherlyn Cadapan and Karen Empeno.

Sa naturang panayam, nanindigan si Palparan na sina Cadapan at Empeno ay mga kasapi sa armadong pakikibaka o New People’s Army (NPA).

“This case occurred in that incident in Bulacan where I’m the commanding general. So allegedly may dalawang estudyante doon ng University of the Philippines (UP) who were not student anymore because they’ve been out of UP for 3 to 5 years. They were actually top-ranking ranking commanders. (Pero pinalalabs sa media) students,” sabi ni Palparan.

Source: MUB

Leave a Reply

Theme by Anders Norén