Local News

Panoorin: ICC Case laban kay DU30, Binawi ni Atty Jude Sabio!

“Nakita ko na ginagamit lang nila ang kaso sa ICC para sa kanilang pulitika. Ayoko nang maging kasali sa ganyang katarantaduhan,”

Iuurong na ni Atty. Jude Sabio ang complaint at information na inihain niya laban kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa International Criminal Court (ICC).

Pumirma na si Attorney Sabio ng affidavit at statement ng kanyang pagnanais na bawiin ang kaso. Ayon kay Attorney Sabio, hindi siya pabor sa ginagawang pagyurak sa dignidad ni Pangulong Duterte ni former Senator Antonio Trillanes at ng ilang personalidad ng Liberal Party.

“I also fervently request that the legal matter pending with your office in relation to the war on drugs in the Philippines should be set aside and thrashed for being just a part of the political propaganda of Senator [Antonio] Trillanes, Senator [Leila] De Lima, and their LP-led opposition of which I do not wish to be a part,” sabi sa liham ni Sabio sa ICC prosecutor.

Si Attorney Sabio ang tumayong abogado ng self-confessed hitman Edgar Matobato.

Kasama ni Attorney Sabio si Attorney Larry Gadon upang magbigay ng moral support .

Ang iniurong ni Sabio na communication ay isa lang sa mga communications na nakahain ngayon sa ICC. Magugunita na naghain din ang National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) ng communication laban kay Pangulong Duterte sa ICC kaugnay sa diumano’y extrajudicial killings sa kampanya kontra-droga ng pamahalaan.

Si ICC prosecutor Fatou Bensouda ang nakatoka sa communications laban kay Pangulong Duterte.

Source: PTV | GMA News | News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén