Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Panoorin: ICC Case Lawyer, Tetestigo na Laban kay Trillanes

Isang malaking gusot ang kahaharapin ni former senator Antonio Trillanes matapos lumantad ang dating ka-alyado niya at abogado na naghain ng communication sa International Criminal Court laban kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ayon kay Jude Sabio, handa daw siyang tumestigo laban kay Trillanes kaugnay sa kasong sedisyon na inihain ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP – CIDG) sa dating senador.

Pagsisiwalat ni Sabio, sinubukan daw siyang kunin bilang abogado ni Peter Joemel “Bikoy” Advincula ng kampo ni Trillanes nitong Abril 2019.

Si Bikoy ay ang karakter sa video series na “Ang Totoong Narco List” na naglalaman ng mapanirang pagbibintang na konektado diumano si Pangulong Duterte at ang pamilya nito sa kalakalan ng droga. Ang naturang mga videos ay inilabas noong panahon ng kampanya. Ayon sa ilang ulat, ginawa raw ito para humina ang tsansang manalo ng mga seandor na ine-endorso ni Panglong Duterte.

Hindi raw pumayag si Sabio na mag-abogado kay Bikoy. Binalaan din daw ng asawa ni Sabio si Trillanes na baka ito ang maging daan para sa ikababagsak ng dating senador.

“Sir, huwag mong ituloy ‘yan. Babagsak ka niyan. Di ka na makakabangon,” sabi umano ng common-law wife ni Sabio kay Trillanes.

Si Trillanes ay isa sa mga personalidad ng oposisyon na sinampahan ng mga alagad ng batas ng kasong sedisyon. Kasama din sa kaso ay sina Vice President Leni Robredo, ilang Liberal Party personalities, ilang pari at ilang opisyal ng Integrated Bar of the Philippines.

Naniniwala din daw si Sabio na malalim ang koneksyon ni Trillanes sa Bikoy video series.

“Ang impression ko at that time, dahil kinukuha niya akong abogado, it only means na malalim ang involvement niya sa Bikoy na ‘yan… Kaya sinabihan ko siya na huwag mo nang pasukan ‘yan sir, primarily because, una, ang financial resources. Number 2, ang problema doon, ang kutob ko, si Bikoy is a trap,” saad ni Sabio.

Source: ABS-CBN | Mike Navallo via Odette Dequito-Javier

Leave a Reply

Theme by Anders Norén