Local News

Panoorin: Ilog sa Batangas, Natuyo Matapos Pumutok ang Bulkang Taal!

Ikinagulat ng mga residente ng Taal, Batangas nang biglang pagtuyo ng Pansipit River. Ayon sa ng ABS-CBN, nakakapamingwit pa raw ng sida ang mga tao kahapon. Konektado sa Lawa ng Taal ang Pansipit River.

Natutuyo na rin ang isang ilog sa Kawit. Ginawa namang oportunidad ng mga residente ang nangyari sa ilog upang manghuli ng isda dahil wala raw mabilhan ng makakain. Ang iba naman ay ibinebenta ang nahuhuling isda mula sa natutuyong ilog.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nangyayari daw ito dahil sa pag-alsa ng magma palabas sa Bulkang Taal.

“Dahil nga sunod sunod na pag-lindol, umatras ang tubig ng lawa at ngayon ay natuyo yung portions ng Pagsipit River. Nagkaroon siguro ng pagalsa o uplift yung Taal region,” sabi ni PHIVOLCS Monitoring and Eruption Prediction Division Chief Mariton Bornas.

Dumadami na rin ang mga bitak sa lupa sa Batangas na ikinababahala ng mga tao sa lugar.

“Possible din na yung mga bitak sa Lemery, ito ay dire-diretsyo na hanggang Talisay. Baka meron tayong mga underwater fissures sa floor or sa ilalim ng Taal lake at nag seep ang tubig dito… In general, lahat ng ito ay related sa ground deformation na dulot ng pag tulak ng magma paakyat ng bulkan,” paliwanag pa ni Bornas.

Base naman sa mga sattelite images, natuyo na raw ang lawa sa bunganga ng Bulkan.

“Mamaya baka makuha natin yung total sulfur dioxide na measurement. Anytime na mag spike to ang indication niyan umaakyat na naman yung magma,” paliwanag ni Bornas.

Inoobserbahan na rin ng PHIVOLCS ang mga lindol na nangyayari sa lugar.

“Tinitignan namin hindi lang yung counts, yung bilang, kasi pwedeng marami pero maliliit lang. tinitignan rin namin yung energy release, yung magnitude ng earthquakes… Kung titignan natin yung history, 50/50, kung titignan natin yung monitoring record ngayon, malaki yung chance na magkaroon tayo ng explosive eruption ngayon,” sabi ng opisyal ng PHIVOLCS.

Source: ABS-CBN | GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén