Local News

Panoorin: “Imbes na Magtrabaho ka, Daldal ka lang ng Daldal”- Robredo Camp, Supalpal kay Cayetano!

Rumesbak si House Speaker Alan Peter Cayetano sa patutsada ng kampo ni Vice President Leni Robredo na manahimik na lang kung walang maitutulong sa anti-drug campaign.

“Hindi ba apat na taon na namin sinasabi kay Vice President Leni iyan na may namamatay na militar at pulis. Maraming namamatay na inosente. Maraming nasisira ang mga pangarap at kinabukasan sa droga. Ano ang ginawa niyo the last three and a half years? Tuligsa lang ng tuligsa, “ buwelta ni House Speaker Cayetano.

Magugunita na nagkomento si House Speaker Cayetano sa ikinikilos ni Vice President matapos nitong tanggapin ang pwesto bilang co-chair ng Inter-Agency Against Illegal Drugs (ICAD). Ayon kay House Speaker Cayetano, ang operation “tokhang” ay naging operation “all-talk” na lang.

“I have been monitoring the last three days, parang from operation tokhang naging operaton all-talk… Nagulat ako eh. I guess the vice president is a favorite of media or she likes media exposure,” sabi ni House Speaker Cayetano sa panayam niya sa CNN Philippines.

Birada pa ni Cayetano, bino-broadcast daw ni Vice President Robredo ang mga hakbang na gagawin nito sa mga drug lords.

“Ngayon na mayroon kayong opportunity by being the co-chair ng ICAD, anong ginagawa? Imbes na magtrabaho, salita lang ng salita, “ resbak pa ni House Speaker Cayetano.

Napuna din ni House Speaker Cayetano ang kilos ni Robredo. Ayon sa mambabatas, kapag bumabanat laban sa Duterte Administration, si Robredo ang gumagawa, pero pag nakakatanggap ito ng mga negatibong komento mula sa mga kababayan natin ay ipinasasagot niya ang mga ito sa kanyang spokesperson na si Attorney Barry Guitierrez.

“Nagtataka ako eh. Bakit pag opensiba ay si vice president mismo ang nagsasalita. Ngayon pag may comment na sinasang-ayunan ng mga tao, biglang ang spokesman niya ang sasagot, “ dagdag pa ni House Speaker Cayetano.

Ipinaalala din ni Cayetano sa kampo ni RObredo na hwuag politikahin ang drug war.

Source: OWWA Deputy Administrator Mocha Uson

Leave a Reply

Theme by Anders Norén