Local News

Panoorin: ‘Ipapadila ko sa inyo!’ Mga Aktibistang Nambaboy ng Underpass, Binantaan ni Mayor Isko!

Nakarating na sa kaalaman ni Mayor Francsico “Isko Moreno” Domagoso ang ginawang pambababoy ng mga aktibista o left-leaning group sa underpass malapit sa Manila City Hall.

Sa panayam niya sa mga media, nagbanta ang punong lungsod na ipapabura niya daw ang bandalismo sa gamit ang dila ng mga aktibista.

“Huwag kayong pahuhuli sa akin. Sige, human rights… ‘pag nahuli ko kayo, padidila ko sa inyo ‘to. Buburahin niyo ‘to ng dila niyo,” banta ni Manila Mayor Isko.

Marahil may ideya si Mayor Isko na mga rebeldeng estudyante ang nambaboy sa underpass kaya pupuntiryahin niya ang mga allowance ng mga ito.

“The same money that you pay our government, we are going to use, ang gagawin ko sa mga raliyista na ‘to, ‘yung pera na ibibigay ko sa inyo sa edukasyon, yon ang gagamitin ko para ipampintura ko ng dinumihan ninyong pader. O, magutom kayo lahat sa loob eskwelahan. Kung ako nasa national government, ‘yon ang gagawin ko. E kayo nagbababoy e, hindi po makatwiran ‘yan e,” resbak ni Mayor Isko.

Iginiit din ng punong lungsod na pinagagandan nila muli ang Maynila at hindi nararapat ang ginawang pambababoy ng mga aktibista.

“We are really trying to clean up and revive, making Manila… vibrant. We don’t deserve this. The people of Manila don’t deserve this,” dagdag pa ni Mayor Isko.

Sa ulat ng GMA News, ang leftist group na Panday Sining ang nambaboy sa underpass. Ayon sa grupo, isa umanong uri ng sining o “protest art” ang kanilang ginawa. Sa pamamagitan daw nito ay nailalabas daw nila ang kanilang ipinaglalaban at sentimiyento laban sa gobyerno.

Sa isang pahayag, sinabi ng Manila Tourism & Cultural Affairs Bureau na ikinalulungkot nila ang ginawang pambabalahura ng leftist group sa bagong linis na underpass.

Ang naturang underpass ay ipinalinis ni Mayor Isko noong nakaraang linggo lamang.

Source: CNN Philippines’ Triciah Terada | GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: