Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Panoorin: Journalist, Arestado sa Pangongotong sa Govt Official!

Isang boradcaster ang naaresto ng otoridad matapos mangikil ng P200,000 na buwanang bayad sa undersecretary ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Kinilala ang naarestong media man na si Romeo Padlan. Naaresto ang mamamahayag nitong Miyerkules, sa mismong palikuran ng DPWH. Nakuha kay Padlan ang marked money na galing sa mga kawani ng National Bureau of Investigation (NBI).

Base sa salaysay ni DPWH undersecretary Emil Sadain, binabanatan na daw siya ni Padlan noong Hunyo pa sa pamamagitan ng blind item. Sa blind item umano ni Padlan ay iniuugnay siya sa korupsyon at pambababe. Ayon kay Sadain, walang katotohanan ang mga ibinibintang ni Padlan sa kanya.

Isang araw ay nakatanggap na lang si Sadain ng mensahe kung saan pinagbabantaan siya at kinikikilan siya ng P1 milyon para matigil ang pagbira sa kanya.

Nagkunwari si Sadain at pinababa sa P200,000 kada buwan ang presyo at sa tulong ng mga tauhan ng NBI ay nahuli ang kawatang mamamahayag.

“It hit much of my integrity at public image ko. Sa buong buhay ko wala akong kaso. Maingat ako sa documentation ko. I do it properly with executions. Tapos ito pa ang sisira sa akin,” sabi ni Sadain.

Todo tanggi naman ang journalist sa mga akusasyon, Hindi umano siya nagpapabayad at nagagalit lang daw si Sadain dahil sa mga binubunyag niya.

“Nasasaktan! Kasi may warning na sa akin. May lumapit, tigilan mo dahil galit na si Usec. sa iyo,” sabi ni Sadain.

Ayon pa sa ulat, may ilan pang opisyal sa parehas na ahensiya na tinatangkang kikilan ni Padlan.

Nakakulong na si Padlan at mahaharap ito sa kasong robbery-extortion at cyber-libel.

Nanawagan naman ang NBI sa mga mamamahayag na bantayan ang kanilang hanay.

“Hindi po natin kailangan ang mga ganitong klase ng mga broadcaster. Siguro ang organisasyon ng broadcaster sa Pilipinas ay dapat gumawa ng hakbang upang mapigilang maulit ang ganitong mga bagay,” sabi ni NBI-ENCD Chief Atty. Eric Nuqui.

Source: ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén