Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Panoorin: ‘Kalokohan ang Sabihing Stop The Drug War’ – Senate President Sotto

“That’s baloney… That’s a statement of people who don’t understand the problem,”

Ganito ang naging reaksyon ni Senate President Vicente “Tito” Sotto sa mga taong nagsasabing itigil na ang giyera kontra-droga ng gobyerno.

Kanina na lang ay inilabas ng Malacañang ang kanilang pormal na alok kay Vice President Leni Robredo na maging drug czar at maging parte sa pagsugpo ng problema sa droga. Inalok ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Robredo matapos sabihin ng bise presidente sa isang foreign interview na dapat nang itigil ang giyera kontra-droga dahil palpak daw ito.

Nagsalita na rin ang ilang personalidad sa mundo ng politika at inudyukan si Robredo na tanggapin ang alok ng Pangulo. Isa sa mga tumutulak kay Robredo na tanggapin ang pwesto ay si Senador Sotto. Sa pamamagitan daw nito ay malalaman daw ng mga kritiko ng drug war kung gaano katindi ang problema sa droga.

“Good, so the VP can see for herself why the war on drugs cannot be stopped!” sabi ni Senador Sotto.

“Ang maganda nun tanggapin sana sapagkat para once and for all ma-realize nila na itong problema ng illegal drugs e matindi pala at matigil na yang kasasabi nila na itigil yung war on drugs,” dagdag pa ni Senador Sotto.

Ayon pa kay Sotto, ang paglaban sa droga ay hindi madali at hindi din dapat ihinto.

“This is the only complex crime in the world, kaya hindi ganun kadali ito (so this is not that easy). Ito lang yung krimen na (This is the only crime where) the victim is a criminal and the criminal is a victim,” paliwanag ni Senador Sotto.

Source: DZMM – ABS-CBN | Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén