Local News

Panoorin: “Kamalian ang Pagkapanalo mo bilang Bise” DU30, Rumesbak na sa Negatibong Komento ni Leni sa Drug War!

Sa kanyang panayam sa media, rumesbak si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa negatibong ulat sa drug war na binulalas ni Vice President Leni Robredo kahapon. Hindi napigilan ng Pangulong Duterte na banatan ang pagkapanalo ni Robredo kay former senator Bongbong Marcos. Ayon kay Pangulong Duterte, pagkakamali daw iyon. Tinawag din niyang malaking kalokohan si Robredo.

“I hate to say this, but how many voters are there in the Philippines? Just do away with the 200,000+ that she got over Marcos. It was really a mistake. With a slim margin and you talk big, for all of these years, she has done nothing. She is a colossal blunder,” buwelta ni Pangulong Duterte.

Kahapon sa press conference ni Robredo, sinabi nito na palpak ang kampanya ng Duterte Administration laban sa droga. At kung bibigyan daw ito ng grado ay makakakuha lang daw ng “1 out of 100”.

Hindi naman pinaunlakan ni Pangulong Duterte ang suhestiyon o panukala ni Robredo na ilipat ang pamumuno ng Inter-Agency Committee Against Illegal Drugs (ICAD) mula Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) patungong Dangerous Drug Board (DDB).

“She does not lecture on me. I do not have the slightest, as a lawyer, lecturing on me while she should revisit her record,” saad pa ni Pangulong Duterte.

Si Robredo ay itinalaga ni Pangulong Duterte bilang ICAD noong unang bahagi ng Nobyembre. Ginawa ito ni Pangulong Duterte matapos batikusin ni Robredo sa forign media ang kampanya kontra-droga. Layon ng Pangulong Duterte na tumulong na lang si Robredo sa pag resolba sa isyu ng ipinagbabawal na gamot. Pero hindi pa natatapos ang buwan ng Nobyembre ay sinibak na ito ni Pangulong Duterte. Ilan sa mga rason ng MalacaƱang ay ang hindi pakikipag-usap ni Robredo sa mga nambiktima ng mga durugista at pakikipagpulong nito sa mga opisyal ng ibang bansa tulad ng US embassy.

Source: News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén