Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Panoorin: ‘Kasong Kidnapping kay Trillanes, Walang Piyansa’ – Tulfo

Kani-kanina lang ay nagsampa ang mga kawani ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ng kasong kidnapping at serious illegal detention sa Department of Justice (DOJ) laban kay former Senator Antonio Trillanes, Father Albert Alejo, Attorney Jude Sabio at isang Sister Ling.

Kung sa mga dating kasong inahahain laban kay Trillanes ay nakakapagpiyansa ito (tulad ng libel), ngayon ay hindi na raw ito maaring magkapag-piyansa.

Isa din daw sa makadadagdag sa problema ni Trillanes ay kawalan nito ng immunity dahil hindi na ito senador.

Ang reklamo ay kaugnay sa pag-detine umano kay Guillermina Barrido aka Guillermina Arcillas ng halos 2 linggo sa isang kumbento sa Quezon City noong Disyembre ng 2016.

Si Barrido ang negosyanteng taga-Mindanao na lumutang noong 2017 para ituro si Trillanes na nag-alok umano ng pera para magsalita at siraan niya si Pangulong Duterte.

Sa programa kanina ng batikang broadcaster na si Erwin Tulfo, tila inaasar ng mamamahayag si Trilanes sa maari nitong kasapitan.

“Kapag ito ay naisyuhan ng warrant of arrest, tuloy-tuloy ito sa kalaboso. Ang kidnapping ay walang piyansa. Serioues illegal detention ay wala rin piyansa. Doon siya maghihimas ng bakal na rehas,” banat ni Tulfo.

Hindi rin napigilan ng journalist na banggitin ang mainit na isyu kaugnay sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) law, ang batas na pilit ginagamit ni convicted rape-slay suspect ex-Mayor Sanchez para umapela ng kalayaan.

“Ang magandang balita Trillanes, pwedeng kang mag-avail ng GCTA. Hindi naman karumal-dumal ang ginawa niya, karumal-dumal ang mukha niya dahil siniraan niya ang Pangulo. Pag-aralan muna ang GCTA. Tignan mo kung saan ka papasok doon. Ang una mong gagawin pag-nakulong ka ay mag-volunteer ka na mag-linis ka ng CR… para sa isang buwan mo, minus 15-days agad. Kung ang sintensiya mo ay habang buhay, 20-years ka lang sa bilangguan. Kung ikaw ay 70-anyos, labas ka na. Pwede ka na ulit mag-senador,” buwelta ni Tulfo.

Si Trillanes at si Tulfo ay nagkasagutan noong nakaraang taon sa pagdinig sa senado dahil sa sigalot sa Department of Tourism at PTV4.

Source: Erwin Tulfo

Leave a Reply

Theme by Anders Norén